Chapter 60

1.9K 26 11
                                    

hoooray! nag upload ako noh?! haha eeehh na inspired kasi ako sa Bestfriend ko.. haha kung hindi niya kinanta yung Pagbigyang muli eh hindi ko maiisipang mag update.. hahaha


dedicated kay Fepples!..


ayun try nyo pakinggan yung music para mas madama nyo.. haha


3rd POV nga pala ang ginamit ko dito.. hindi ko kasi masyado ma portray eh.. saka baka pag 1st POV ang fail nung feelings kaya ayaaan..


enjoe reading! malapit na pala matapos toh.. I think 5 chapters na lang.


 

Isinakay na ng binata ang kaibigan sa sasakyan.

Amoy na amoy dito ang alak.

Napailing na lamang siya at saka inistart ang engine ng kotse.

Pero muling nabaling ang atensyon nya ng hawakan ni Xander ang balikat nya.

“Tol, puntahan natin siya.”

Tinignan niya ang itsura ng kaibigan. Kahit na hindi niya sabihin kilalang kilala nito kung sino ang tinutukoy nya.

Ilang araw na rin naman kasi ang lumipas na palaging ganito ang nangyayari sa kanila. Palagi nyang susunduin ang kaibigan mula sa iba’t ibang bar dahil sa nagpapakalunod na naman ito sa alak.

Simula ng break up nila ni Shay palagi ng alak ang kasama ni Xander. At sa tuwing iuuwi na niya ito eh palagi silang dumadaan sa bahay nila Shay, sa totoo nga lang paulit ulit na lang na ganun at paulit ulit din siyang tinataboy ni Shay.

A Love to last....(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ