Chapter 34

2.2K 26 17
                                    

Tayllah POV.

“Oh, Iha mag-iingat ka dun ah. Ikaw naman ang bilis mo namang umalis.”

“Opo naman po Tita, kayo din po ingat kayo. Hehe si Tita naman, mamimiss agad ako. Haha”

“aba syempre mamimiss ko ang maganda kong pamangkin!”

“wushu nangbola pa po kayo. Sige na po papasok na ako sa loob.”

“basta mag-iingat ka palagi. Mag-aral din ng maigi ah! At saka wag mong kalimutang tumawag pa rin sa akin.”

“opo Tita, maraming salamat po.. bye.”

Pinasakay ko na ng kotse nya si Tita Agnes at agad naman itong pinatakbo ng driver nya.

Pagkatapos ng mga nangyari sa pagbabalik ko dito sa Pilipinas ay napagpasyahan ko na bumalik sa California.

Tama lang siguro yun dahil ngayon ang kailangan ko ay makalimutan siya. Baka sakaling maging busy ako at tuluyan na siyang mawala sa isip ko.

Nakakatawang isipin na yung taong dahilan ng pagbabalik ko dito ay siya ding magiging dahilan ng pag-alis ko.

Bumalik ako dito para ipaglaban ang nararamdaman ko para sa kanya pero wala pa man ay talo na agad ako.

Haisst…

I love Xander so much that I choose to let him go.

Gusto ko mang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya pero ayoko namang maging kontrabida sa buhay ni Xander.

Ayaw ko maging hadlang sa kasiyahan nya at kung si Shay ang makapagbibigay nun ay handa akong magparaya.

Love is sacrifice..

i have to give up my own happiness so he can have is own..

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now