Chapter 62

1.8K 29 16
                                    

guys!!.. update. haha paumanhin sa napakatagal na update. hayaan may mga revelation na magaganap dito.. basahin na lamang po..


Troy POV

Kasalukuyang kumakain kami ni Rianne ng tumunog yung cellphone ko na nakapatong sa mesa.

Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Hindi mo ba titignan?” sabi ni Rianne bago nya isubo ang kinakain.

Hindi na ko nakipagtalo pa sa kanya. Kahit na mas gusto kong I concentrate ko ang sarili sa pagkain, alam kong bawat text at tawag na matatanggap naming sa cellphone naming ay mahalaga.

At saka isa pa hindi kailangan ni Rianne na makipagtalo pa ko dahil mas kailangan nya ngayon yung suporta ko.

Kahit minsan wala na kaming time para sa isa’t isa alam kong mas mahalaga sa ngayon na mahanap namin si Shay. Alam kong sobrang nag-aalala na si Rianne para sa pinsan nya dahil kitang kita sa mukha nya ang pagod at stress.

Ni hindi na nga siyang nag-aabalang mag-ayos o maglagay ng make up sa mukha. Hindi naman sa ayoko nun kasi may make up man siya o wala palagi siyang magiging maganda sa paningin ko. Ang akin lang eh hindi ako sanay na ganito siya. Parang nawala yung vibrant na dating nya.

Napatayo na lang ako bigla sa message na nabasa ko at agad na binalot ng kaba at pangamba ang buong katawan ko.

“What happen?” kalmadong tanong ni Rianne pero bakas sa mukha nya ang takot.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now