Chapter 46

2.1K 27 3
                                    

Note: hindi ito ang original chapter 46.. dahil ang original ay bigla na lang naglaho ng parang bula..T_T

anyways.. haha dapat hindi na talaga ako makakaupload today dahil nga sa nawala pero baka mawalan ako ng reader pag ndi pa ako nag update.. ahaha choz! kaya ayun! piniga ko talaga yung mga brain cells ko. sorry sa mga errors dyan dahil on the spot ko ginawa yan. at eto namang kapatid ko pinagmamadali na ako so wala ng time para makapag proofread ako. ayun

enjoy reading ^_^

Rianne POV

 

Spell LUTANG?!

R-I-A-N-N-E

oo.. ako na lutang..

ako na talaga.

Kasi naman, bakit ba ako niyakap ni Troy kagabi?!

Kyaaa!!

At sa totoo lang hanggang ngayon feeling ko nakayakap pa rin siya sa akin. Na para bang forever na siyang nakakapit sa akin.  Halos 2 am na natapos yung game namin at yung sa bonfire naming pero  5 am na ata ako nakatulog.

Ang OA ng kilig na nararamdaman ko pero kasalanan ko ba?..

Kasalanan ko bang ngayon ko lang maramdaman ang ganitong bagay and shite lang!.

Ang SARAP pala…

10 am na nung bumangon ako ng kama. Para ngang hindi ako natulog paano ba naman 8 na ako nagisng tapos buong oras hanggang ngayon nakahilata pa rin ako sa kama.

Eeeh!..

Parang naging pentium 2 yung utak ko.. sobrang bagal na ayaw na atang maka get over sa nangyari kahapon.

Syeeet Troy! Para kang virus!.. unti-unti mong sinisira yung bait ko.

Nakakabaliw ma-inlove..

Kahit ayaw ko pang tumayo ay bumangon na ako.

Nagugutom na rin naman kasi ako eh.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumaba agad ako para pumunta ng kusina. Pero habang nababa ako ay parang may kakaiba akong napansin.

Baka parang lahat ata busy?.

Halos lahat ng kasambahay dito ay mayroong ginagawa. Yung iba busy sa pag aayos ng mga kurtina, yung iba ay binubuhat na mga kaldero.

Anong meron?

Pagkadating ko ng kusina ay nadatnan ko si Shay na nakain ng tinapay.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now