Chapter 23 part 2

2.4K 30 8
                                    

Pinaandar na ni manong driver yung taxi.

Shit,,, bakit traffic pa?....

Bumilis yung tibok ng puso ko…

Sana makaabot pa ako.

Hindi ko alam anong oras yung flight nya but he told me tomorrow night

Wala pa namang gabi diba?

Nakakatanga lang..

Bwisit..

Halos mag-iisang oras na ako sa taxi.

“mam pasensya na po kayo ah.. ang lakas po kasi ng ulan eh.”

Tama kayo ng rinig..

Umuulan nga..

Buti nga at nakasakay na ako ng taxi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

May bagyo pa nga ata.

“baha na po yung ibang daan kaya sinarado na. kaya ayun po naipon lahat ng sasakyan dito sa daan na ito.”

“ah.. o-ok lang po yun? May bagyo po ba?“

“ay wala po. Dala po ito ng hanging habagat.”

Wow! Talino ni manong driver!

Siya na…

30 minutes pa ang lumipas pero hindi pa rin ako nakakarating sa airport.

“ahm manong malayo pa po ba?” atat na tanong ko.

“nako malapit lapit na po. Matraffic lang po talaga.”

“ah..”

Pero hindi na talaga ako mapakali sa kinauupuan ko.

Hindi na ako nakapag pigil pa at nagbayad na ako kay manong driver.

“ahmm manong dito na lang po siguro ako.” Sabay abot sa kanya nung bayad ko.

“ahmm basta po straight at liliko airport na po yun diba?”

“opo.”

Isinarado ko na yung pinto at nagtatakbo papunta sa airport.

Kahit naulan pa ay nilusong ko pa rin.

Maya maya pa ay nakadating na ako sa airport.

Basang basa na yung buong katawan ko.

Nilalamig pa ako.

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now