Chapter 44

2.1K 21 2
                                    

“Hoi babae! Tulala ka na naman dyan!” nagulat si Shay sa biglaang pagsasalita ni Rianne. Ni hindi man lang nito naramdaman ang pagdating nito.

Hindi na lang niya ito pinansin at ibinaling ang pansin sa mga rosas na nakatanim sa garden nila.

“ganon?!.. snob na lang?” mataray na pagkakasabi ni Rianne sa kanya.

Napabuntong hininga na lang si Shay.  Sa pinagdadaanan nya kasi ngayon ay hindi na nya alam kung paano pa sasagutin si Rianne. Masyado siyang maraming iniisip kaya naman nagkahalo halo na ito sa isipan nya.

“wag mo na kasi masyadong isipin si Xander. Kahit ako naiinis na din dyan eh, pero sabi naman kasi niTroyintindihan na lang daw. Hindi ko nga din alam kung bakit at paano? Kasi diba?.. ang complicated masyado tapos wala pang sapat na dahilan. Pero kagaya nga ng sabi niTroyhayaan na lang muna natin si Xander ngayon. Siguro may gumugulo lang sa isip nun at saka siguro naman pag handa na siya sasabihin din nya sa iyo yun..”

Nakinig lang si Shay sa mga sinasabi ni Rianne. Naiinis na kasi siya. Halos lahat kasi pare-pareho lang ng pinapayo sa kanya..

Waaa! Xander naman! Hanggang kalian mo ba ko paghihintayin sa mga paliwanag mo?!!..

Makikinig naman kasi ako eh.. =(

Kahit ano pa yan..

“naiinis kasi ako eh..” hindi na napigilan pa ni Shay ang magsalita..

“sino bang hindi maiinis?.. kahit sino ata na naandyan sa kalagayan mo maiinis eh..”

“akala ko pa naman magiging okay na ang lahat..kasi nakilala ko na rin naman yung mama ni Xander tapos okay naman siya sa akin.”

“syempre naman.. hindi  naman palaging dapat ganun.. hindi pwedeng palaging masaya. Kasi kung pwede yun nakow! Lahat na siguro ng tao hiniling na maging masaya. Sino bang ayaw nun?! Magsabi ka sa akin ng taong ayaw sumaya kukutusan ko yun.!”

“sira!.!! Rianne!! Nahihirapan na talaga ako!!..” sinabi nya ito habang nakahawak ang mga kamay sa buhok..

“aha!”

“oh napaano ka dyan?”

“may alam ako kung paano mababawasan yang mga problema mo.”

A Love to last....(COMPLETED)Where stories live. Discover now