Chapter 1

19.5K 816 645
                                    

Love Story

"PARK JIMIN! BUKSAN MO ITO!" sigaw ko. Yung magaling ko kasing ex sinaraduhan ako ng pintuan. "Jimin naman eh! Sige na please!" sigaw ko ulit. Pero katulad kanina, walang sumagot. "Kahit naman may abs ka, maliit ka pa rin! Ulol mo!" dagdag ko.

Dahil gumabi na rin, may naisip akong ideya. "Dito nalang ako matutulog pero sa labas nga lang ng bahay." bulong ko sa sarili.

Kinuha ko yung jacket sa bag ko at sinuot. Nilapag ko naman ang bag ko sa baba at iyon ang ginawa kong unan.

Ayokong makitulog sa ibang bahay dahil hindi ko sila kilala at hindi ko sila pinagtitiwalaan. Kahit na niloko ako ni Jimin dati, mas pinagtitiwalaan ko siya kaysa sa mga ibang tao na di ko naman alam kung sino.

6 months ago

"Ayan, tapos na! Ito para sa Bangungot Squad at ito naman ay para kay Chimchim!" masaya kong sabi habang pinaghihiwalay ang mga gawa kong pancakes. Hindi ako nakapasok sa first subject ko para lang sa paggawa ng mga pancakes. Ngayong araw kasi ang 22nd monthsary namin ni Jimin.

Dumiretso agad ako sa tambayan nila na sa ilalim ng isang malaking puno. Plano ko na sopresahin sila dahil alam kong gustong-gusto nila ang mga pancakes na gawa ko. Nagtago ako sa likod ng puno at pinakinggan ang pinaguusapan nila.

"Namjoon hyung! Asan na yung napagkasunduan natin?" sabi ni Jimin.

"Aba, excited ka ah! Wala pa kayang 2 years! Dalawang buwan pa kailangan mo uy!" sabi naman ni Namjoon.

"Hyung, iisa lang ang buwan. Imposible na maging dalawa!" sabi ni Taehyung.

"Ang talino mo talaga Taehyung! Infires man!" sigaw ni Yoongi.

"Oo nga! Namjoon hyung naman eh! Kaya siya tinawag na buwan kasi buONE! Insfiration ka talaga Taehyung hyung!" paglalaban ni Jungkook.

"Oy! Makinig kayo sa akin! Ano ang tawag sa dalawang buwan? Edi buTWO! HAHAHAHAHA!" pagsisingit ni Hoseok. 

Binato naman siya bigla ni Jin ng bote. "Alam ko na kung saan pinaglihi si Hoseok! Sa mais! Ang corny niya eh!" sigaw ni Jin.

"Maglilihi ka na nga lang sa mais pa! Tingnan mo tuloy kinalabasan!"-Yoongi

"Ulol. Wala akong anak na kabayo."-Jin

"Nandito pa ako hyung!"-Hoseok

"Alam ko, kitang-kita nga yang baba mo eh!"

"Kung tumigil na kaya kayo bago kayo mamatay." pagbabanta ni Namjoon. Tumahimik naman sila.

"Asan na hyung?" Tanong ni Jimin.

"Yung jams? Ulol mo Jimin! Hindi pa kaya kayo ni Rona nang 2 years!"

"Pakshet ka Namjoon hyung! Diba yun yung deal natin dati?! Gawin ko siyang girlfriend at tumagal sa kanya ng 2 years!"

"Alam mo yung 2 years Jimin?! 24 months yun! 22nd monthsary niyo palang kaya! Kaya wala kang jams eh."

Iniwan ko yung mga gawa kong pancakes at umalis na. Hindi ko na pinakinggan ang iba nilang usapan dahil ayoko nang makarinig ng iba pang kalokohan.

Gago siya. Naging kami lang pala dahil sa putanginang jams na yun. Ginamit lang niya ako para makuha yung gusto niya.

Dumiretso ako sa cr at pumasok sa isang cubicle. Habang nandoon sa loob, may narinig akong pumasok na ibang babae.

"Omg, hindi ka maniniwala sa nangyari kanina." sabi nung isa.

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" tanong nung kasama niya.

"Si Jimin, hihi." malanding sabi niya. Pakyu Jimin.

"Jimin? Park Jimin? Yung pandak doon sa Bangungot Squad?"

"Grabe ka naman makasabi ng pandak. Pero oo, siya,"

"Bakit, anong ginawa niya sayo?"

"Ano kasi hihi. Teka kinikilig pa ako!"

"Magsasalita ka ba o ano?! Bahala ka na nga sa buhay mo!"

"Oy, huwag mo akong iwan babaita! Ito na nga. Kasi kanina, pagpasok ko sa room may nakita akong flower sa upuan ko. Kinuha ko at may nakasulat na 'a flower for you from Park Jimin.' Tapos bigla siyang pumasok sa loob ng room at lumapit sa akin. Tapos ano hihihi!"

"Ano nga?! Landi mo puta ka!"

"Tapos ano! Hinawakan niya ang pisngi ko at sinabing 'did you like it?'. Tapos bigla niya akong HUMAYGAHD! Hinalikan ang noo ko, tapos ilong tapos dalawa kong pisngi!!! Hindi nga lang niya ako hinalikan sa lips! Tapos ayun ngumiti siya sa akin at umalis na!"

"Seryoso ka ba diyan?!"

"Oo nga! Di kasi kita kaklase kairita ka!" at hindi ko na narinig sila dahil lumabas na sila.

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa may labababo at doon umiyak nang umiyak.

I hate you Jimin! Ang landi mo! Napakasinungaling mo! Pakyu! Mamatay ka na sana! Manloloko! Ugh Park Jimin! Huwag ka na sana tumangkad!

Lumabas ako sa cr at nagalakad kung saan man ako mapadpad ng mga paa ko. Habang naglalakad, bigla akong may nakabangga.

"Sorry." sabi ko.

"Rona?" sabi naman niya kaya napatingin ako sa kanya. Akalain mo nga naman.

"Oh? Problema mo Jimin?"

"Saan ka galing? Bakit iniwan mo lang yung luto mong pancakes sa likod ng puno? Teka, umiyak ka ba? Babe, anong nangyari?!" sabi niya habang pinupunasan ang aking luha.

Kaysa sa sagutin ko ang tanong niya ay nilagpasan ko lang siya. Hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Rona. Babe. Anong nangyari? May nang-away ba sayo? Sabihin mo sa akin, nandito lang ako."

Katulad kanina ay hindi ko siya sinagot. Hinawakan niya ulit ang kamay pero ngayon ay sinampal ko na kaagad siya. Isang malakas na sampal.

"Anong problema mo?!" Sigaw niya.

"Problema ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko!"

"Anong ginawa ko sayo?!"

"Gago ka! Putangina mo! Manloloko! Sinungaling!"

"Babe, anong pinagsasabi mo? Pag-usapin naman natin ito nang maayos oh."

"Sige! Magmaang-maangan ka pa! imula ngayon, break na tayo! Wala na tayo Park Jimin! Tapos na ang lahat!"

Tumakbo ako kaagad para hindi niya na ako mahabol.

At doon natapos ang aming love story. Isang love story na puno ng kasinungalingan.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now