Chapter 19

9.9K 526 314
                                    

Stop

"Sige Rona, pupuntahan ko pa muna si Angela." sabi ni Jungkook sabay flying kiss. Malandi talaga yang batang yan, wag niyong tularan.

"Landi mo." sabi ko habang inaayos yung gamit ko.

Paglabas ko sa classroom namin bigla nalang may sumabunot sa akin at hinila papunta sa cr at tinulak diretso doon sa sahig. Pagtingin ko kung sino gumawa sa akin nun, nakita ko si Hani na may kasamang dalawang babae.

"ANO BA ANG PROBLEMA MO SA AKIN AH?!" sigaw ni Hani.

"Wala, kaya palabasin mo na ako dito!" sabi ko sabay punta sa pintuan pero hinila ako ng dalawa niyang kasama pabalik.

"HINDI MO BA TANGGAP NA KAMI NA JIMIN AH?! PALIBHASA ISA KANG EX NA MAHAL PA RIN ANG BOYFRIEND KO!"

"Oo, tama ka. Hindi ko tanggap kayo ni Jimin. Hindi ko tanggap na pinagpalit niya ako sa isang malandi na tulad mo." sagot ko pabalik at sinampal naman niya ako.

"Kung may malandi sa ating dalawa, ikaw yun." sabi niya sabay ngisi.

"Wala kang maloloko dito Hani. Pangalan mo palang katunog na ng malandi.Hani malandi." pagkatapos niya sabihin yun, sinabunutan niya ako na kulang nalang matanggal na niya ang buhok ko.

"PAKYU! DAHIL SAYO NAG-AAWAY KAMI NI JIMIN NGAYON! DAHIL SAYO UNTI-UNTING NASISIRA ANG RELASYON NAMIN! DAHIL SAYO PUMAPANGIT ANG TINGIN NG MGA TAO SA AKIN!" sigaw niya habang sinasabunutan ako.

Sinabunutan ko din siya pabalik pero tinulungan na siya ng mga kasama niya. Pinagsasampal na rin nila ako. Hindi ko sila kinaya hanggang sa nandilim ang paningin ko.

[Hoseok's POV]

Kasalukuyang naghahanap kami ng damo. Nakakatuwa nga eh, tinutulungan ako nung mga ugok. I'm so heppy, why heppy?

Masamang damo nga lang yun, si Rona. Oo, gaga yung babaeng yun. Akala mo kung sinong mabait nung una, pero pag nakilala mo nagiging demonyo bigla.

"Asan na ba kasi si Rona?" reklamo ko.

"Hyung, nakita ko na si Rona! Ito siya oh!" sigaw ni Taehyung kaya tumakbo kaming lahat palapit sa kanya. "Aray puta!" sigaw niya nung batukan siya ni Namjoon.

"Gago ka ba o tanga?" tanong ni Jin.

"Gwapo." sagot niya kaya pinagbubugbog na namin siya. Gago eh, pinakita pa naman sa amin ang picture ni Rona sa cellphone niyang bulok.

"Asan na ba kasi siya? Ang liit kasi kaya ang hirap hanapin." sabi ni Jungkook.

"Oo nga! Kung makaasar dati kay Jimin na pandak eh parang siya hindi rin maliit! Wahahahaha!" sabi ko pero tangina. Ako lang tumawa.

"Hoseok." tawag sa akin ni Yoongi hyung.

"Bakit hyung?"

"Like this chain?" tanong niya bigla.

"It's alright." sagot ko. Ay naks, im spokening englishing.

"Gamitin mo ito sa pagbigti mo ah. 3 dollars pa yan. Ang corny mo gago ka." sabi niya sabay ngiti. Ang silaw, tengene.

"Teka lang guys, cr muna ako. Kanina pa ako naiihi." sabi bigla ni Jin hyung. Teka, hyung ba o noona?

"Jin bebe ko, sama ako." sabi ni Namjoon. Ay--

"Wag na Namjoon. Baka kasi ano eh, huehue." sabi ni Jin. Bakla talaga yata itong si Jin eh. Pagpasok niya sa CR, bigla nalang namin siyang narinig na tumili.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now