Chapter 29

8.2K 478 149
                                    

Dedicated kay qeunxx . Hi, thank you sa pagbabasa ng story na ito! Sorry nga pala kung walang book 2. :)

***

Concert

[Rona's POV]

Si Jimin ba talaga ang nakita ko? Anong ginagawa niya dito? Nandito ba siya para hanapin ako?

"Ate! My name tag is missing!" Sigaw ni Eunhyuk.

O baka naman nagbabakasyon lang? Sa bagay, April na rin at walang klase ngayon sa Pilipinas except sa ibang schools.

"ATE!"

Umaasa nanaman kasi ako kaya sa huli ako ang nasasaktan. Tanga ko talaga.

"NOONA!"

Isang taon na ang lumipas kaya baka kinalimutan na ako nun. Baka nga meron na yung bagong girlfriend eh. Jimin pa, daming nagkakagusto doon eh.

"ATE RONA!" sigaw ni Eunhyuk sabay hampas sa balikat ko. Langhiya netong batang 'to.

"A-are you calling me?" Tanong ko.

"Yes! It took me hundred of shouts before you noticed it! Naasar na sabi niya. Exagge naman siya masyado.

"Oh, I'm sorry. Ano ulit yun?"

"My nametag that is attached on my bag is missing."

"Bili nalang ako ng bago, okay?" Sabi ko at tumango lang siya. Nagpaalam na siya sa akin at hinatid na siya ni mama sa school niya.

Pagkatapos ng mga ritwal ko, nilock ko na ang bahay at dumiretso muna sa isang tindahan na malapit. Bumili ako ng panibagong nametag sa kapatid ko kasi baka mamaya resbakan ako kasama nung 'bestfriend' niyang si Donghae.

Bestfriend nga ba? Huehue.

"Tiffany!" Bati ko sa kaibigan ko pagdating ko sa university. Syempre may mga naging kaibigan ako dito kahit naman na feeling ko rereglahin na ang ilong ko. Kaya palagi na akong may dalang napkin, langhiya.

"Hey Rona! Did you know that there's a mini concert here later?" Tanong niya sa akin. Mini concert?

"Of who?"

"I don't know. Maybe our schoolmates? Let's watch, okay?"

"I think." Tinatamad kong sagot. Nagdaldalan muna kami at pagkatapos ng ilang minuto, pumunta na kami sa mga rooms namin. Nang nagsimula nang maglesson ang prof namin, wala akong naintindihan dahil hindi ako maka-focus. Kanina ko pa iniisip si Jimin.

Pero paano kung nandito talaga siya para sa akin? Papatawarin ko ba siya? Siguro ito na rin yung tamang panahon. Saka sawa na ako maging bitter, hindi ko ikinaka-better.

Shet, rhyming. I'm so proud of myself, huehue.

Pero paano nga? Bahala na ang tadhana kung paano kami ipagkikita.

Naaasar ako sa sarili ko. Isang taon na ang lumipas na walang Park Jimin sa buhay ko pero hirap na hirap talaga ako makamove-on. Lalo na ngayon na nakita ko siya.

Natauhan nalang ako nang mapansin ko na nagsisingtayuan na ang mga kaklase ko at palabas na ng room. Tapos na ang klase? Isang oras akong lutang? Grabe.

Lumabas na ako ng classroom at pumunta na sa susunod kong klase. Pagkadating ko, nagtaka naman ako. Bakit walang katao-tao sa room? Baka napaaga lang ako.

Umupo ako sa upuan at inantay yung mga kaklase ko. Pero langhiya. 20 minutes na akong nakaupo dito pero wala talaga. Saka konti lang rin yung nakikita kong estudyante sa hallway. Nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Tiffany.

"Hey Fany, where's everybody?"

["Where are you?! Everyone is already here! You're not going to watch the mini concert?"] Ngayon na kaagad yun?

"Wait for me."

["Just text me if you're here already."] Sabi niya sa akin at binaba na ang tawag.

Paglabas ko ng classroom, may babae akong nakabangga.

"Sorry." Sabi niya at napatingin sa akin. "Wait, are you Rona Lee?" Tanong niya sa akin. Wow, ang peymus ko naman para malaman pangalan ko.

"Yeah, why?"

"Come with me. Let's watch the concert." Sabi niya at hinila niya ako papunta sa quadrangle ng school namin kung saan gaganapin yung concert. Di naman ako nakapalag kaagad dahil mahigpit ang hawak niya sa akin. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng ito eh.

"Excuse me." Sabi niya sa mga taong nakaharang. Natagpuan ko nalang na nasa harapan na ako na ng stage. Wow, ang lapit ko.

"Wow, thanks." Sabi ko at nginitian lang niya ako.

"By the way, I know it's weird that I know you but you don't know me then suddenly you're just in front of the stage because I drag you. Just trust me, someone will need a lot of explanation later. Beila is the name if ever you wanted to know." Sabi niya. Tumango lang ako at nginitian siya. Ang weird.

Naalala ko si Tiffany bigla kaya nagtext kaagad ako sa kanya para di siya mag-alala. Di rin nagtagal, nagsimula na yung concert.

May mga schoolmates ko ang kumanta at meron rin yung mga suma-sideline lang.

"And for the last performance! Let's all welcome BTS!" Sabi nung emcee. Wow, BTS. Nice group name.

Napatitig nalang ako nang makita ko ang isa-isang pagpasok ng mga members. Shit.

Una si Namjoon, sumunod si Jin, Yoongi, Hoseok, Taehyung, Jungkook at syempre, si Jimin. Mas lalo kong naramdaman ang tibok ng puso ko nang nagtama ang mata namin ni Jimin at ngumiti siya bigla hanggang mawala nanaman ang mata niya.

Kahit malakas ang tili ng mga tao, hindi ako nabibingi katulad nung kanina. Sa totoo lang, wala akong makarinig. Nakatitig lang ako kay Jimin na nakatingin din sa akin.

"I need u girl! Wae honja saranghago, honjaseoman ibyeolhae~" Pagkanta nila.

Nang matapos ang pagkanta at pagsayaw nila, nagpalakpakan lahat ng tao. Kinuha naman bigla ni Namjoon yung mic.

"Thank you everyone for listening and watching us to perform here on stage. It's a great pleasure for us to do it in front of you all. But it's not the only reason why we are here today." Sabi ni Namjoon. Mas kinabahan naman ako dahil sa sinabi niya. "We are here because the woman that one of our member loves is here to prove, once again, his love for her." Paliwanag niya.

Bigla namang binigay ni Namjoon kay Jimin yung mic. Oh my god.

"Uhm, hi." Simula niya. "Hi Rona." Sabi niya at tumingin siya sa akin. Natutunaw ako sa mga titig niya.

"Rona, isang taon na ang lumipas pero ikaw pa rin talaga. Medyo natagalan ang pagpunta ko, namin, dito dahil pinag-ipunan pa namin yung pera. Rona, alam kong marami akong nagawang kasalanan sayo pero patawarin mo sana ako. Kahit sigawan mo ako ngayon dito at murahin, lahat tatanggapin ko. Alam kong naging gago at paasa ako sayo kaya ang naging karma ko ang pagkawala mo sa akin." Bigla siyang bumaba ng stage at lumapit sa akin. "Lee Rona, sorry. I still love you. I'm still in love with you." Sabi niya kaya sumigaw lahat ng tao. Napaluha naman ako sa sinabi niya.

Hindi na akong nagdalawang isip at agad na sinabing, "Pinapatawad na kita Park Jimin. And, I still love you too." Bigla nalang niya akong niyakap nang mahigipit sabay ng pagsigaw ulit ng mga tao. Kahit yung mga huling salita lang naiintindihan nila, sigaw pa rin sila nang sigaw.

"And now, we'll be singing our last song." sabi ni Namjoon kaya umakat ulit si Jimin sa stage. Kinanta at sinayaw naman nila ang No More Dream kaya mas lumakas ang sigaw ng mga tao lalo na yung tinaas ni Jimin ang kanyang damit.

Bumalik na sa dati ang lahat. Sana magpatuloy na itong kasiyahan na ito. Sana...

***

Last 1 chapter

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now