Chapter 3

14.7K 752 714
                                    

Dedicated sayo! Thank you sa pagbabasa! Nainfires ako sa comment mo, hihi. Thank you ulit! :D

***

Jealous?

Dahil sanay na ako maging ma-isa sa buhay, nasanay na akong magising nang maaga. Bumangon ako sa upuan at dumiretso sa kusina.

Nagluto ako ng dalawang itlog at hotdog. HUWAG KAYONG BERDE OY!

Magpasalamat siya at nilutuan ko pa siya. Atleast ako hindi bitter! Ampalaya nga iluluto ko sa susunod. Kumain ako at pagkatapos ay naligo na ako.

"Haruman neowa naega hamkkehal su itdamyeon. Haru--JIMIIINN!!" kinuha ko kaagad yung twalya at binalot sa katawan ko.

Pumasok bigla si Jimin sa loob ng cr nang nakaboxers lang. Walang pang-itaas o kung ano-ano man, boxers lang. Tapos ang gulo ng buhok niya. 

Kumpleto na yata almusal ko. May pandesal na sa harap ko eh. Anim pa. Mukhang masarap tik--WALA AKONG SINASABI! BAKIT HINDI KO BA KASI NALOCK YUNG PINTO?!

Lord, ayoko magkasala. Paalisin niyo na kaagad siya dito bago ko pa siya marape. WALA YUN! WALAAA! HUEHUE.

Eh dahil sa likas siyang bingi tuwing bagong gising, hindi niya ako narinig. Lumapit siya doon sa may inidoro at mukhng iihi siya.

ANO BA, NAKAKITA NA AKO NG HOTDOG KANINA! AYOKO NA MAKAKITA ULIT!

"JIMIN!" sigaw ko ulit at binato ko sakanya yung sabon.

"Aray! R-rona?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

"Naliligo, kaya labas!" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas ng pintuan.

"Ano ba Rona?! Cr ko ito!" sabi niya habang bumabalik sa loob.

"Naliligo pa ako!"

"Iihi pa ako!" sabi niya. Dahil sa nagmamatigas siya, na-out of balance kami at nahulog.

"Aw..." bulong ko. Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko nalang na nasa ibaba ko siya at nakapatong ako sa kanya.

PERO DI KAMI NAG KISS OY! Ang cliche naman masyado kung ganun. Tumayo kaagad ako.

"S-sabi k-ko nga umihi ka na." sabi ko. Hala, ba't ako nauutal? Sinamaan lang niya ako ng tingin at pumasok sa loob. Pagkalabas niya ng cr, numisi siya bigla at lumapit sa akin.

"Gusto mo lang manansing kanina eh." bulong niya at umalis na. Kasing pula ko na yata ang kamatis ngayon. Pumasok ako sa loob ng cr at tinapos ang pagligo ko.

--

Lalabas na sana ako ng bahay nang biglang may nagsalita. "Hindi mo man lang ba ako aantayin?" Tanong ni Jimin.

Pagod na akong antayin ka.

"Hindi." sabi ko at pinagpatuloy ang paglakad.

Pumara ako ng tricycle at pumasok na sa loob. Bigla nalang pumasok din si Jimin sa loob. Hindi man lang ba siya na-aawkward dahil sa nangyari kanina? Kapal talaga.

Pagdating namin sa school, maraming estudyante ang nakatingin sa amin. Sikat kasi si Jimin dito at ang alam ng lahat ay break na kami. Hindi kami nagsalita habang naglalakad at dumiretso na kami sa mga klase namin. Pagkapasok ko sa loob ng room ay natulog muna ako nang saglit dahil maaga pa naman bago magstart ang klase. Nagising nalang ako ng may tumawag sa akin.

"Rona, gising na. Malapit na dumating si sir." Dumilat ako at nakita si Jungkook.

"Kookie. Salamat." Sa Bangungot Squad, tanging si Jungkook lang ang kaklase ko sa lahat ng subjects ko. Yung iba, minsan lang. Yun na rin yung dahilan kung bakit isa siya sa mga ka-close ko.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now