Chapter 12

9.9K 534 175
                                    

Picture

"Tumahan ka na." sabi niya sa akin habang yakap-yakap pa rin ako.

"J-jimin..." mahina kong sambit at nang napansin niya ang ginawa niya, pinakawalan niya ako kaagad.

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit magulo yang gamit ko diyan?!" pagalit niyang sabi. Hanep din ang lalaking ito. Parang kanina ang sweet niya tapos balik na ulit siya sa pagiging galit sa akin. May regla yata siya ngayon.

"M-may ano, may hinahanap lang ako. May naiwan yata ako." bakit ba ako nauutal?

"Ano ba yun?!" Iritado niyang sabi..

"Bakit ka ba galit ah?!"

"Sa tingin mo matutuwa ako na may taong biglang pumasok sa pamamahay ko?!"

"Sorry na, okay?! May naiwan kasi ako."

"Ano nga kasi yun?"

"Y-yung ano, box. May box yata akong naiwan sa cabinet mo." Tiningnan lang niya ako at may kinuha sa ilalim ng kama niya. "Ito ba?" sabi niya at pinakita sa akin yung box na hinahanap ko. Inagaw ko kaagad yun sa kanya.

"Bakit nandiyan yan?! Aish! Salamat nalang, aalis na ako." sabi ko at naglakad papuntang pintuan pero bigla niya akong niyakap mula sa likod.

"Huwag ka muna umalis..."

"J-jimin, ano ba?" sabi ko habang pinipilit ang sarili ko na makawala sa yakap niya.

"Rona, wag mo akong iwan ulit." nakaramdam nalang ako na basa sa balikat ko kaya napahinto ako. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak.

"Chimchim..."

"Bakit nasayo pa rin yung mga pictures natin?"

"T-tinignan mo yun laman??"

"Rona, bakit ganun? Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko." mas lalong humigpit yung yakap niya sa akin.

"Jimin, matagal na tayong wala. Magmove-on ka na."

"Bakit ikaw Rona? Nakamove-on ka na ba?"

Hindi. Hanggang ngayon masakit pa rin. Hanggang nagyon gusto pa rin kita. Mahal pa rin kita.

"Minnie! Nan--teka, anong nangyayari?!" napabitaw si Jimin kaagad sa akin nang dumating si Hani at nakita niya kami. "Anong ginagawa niyang babaeng yan dito?!"

Lumapit sa akin si Hani at sinampal kaagad ako. "Malandi ka!" sabi niya at sinabunutan niya ako. Nabitawan ko naman yung box.

"Putangina mo!" sigaw ko at sinabunutan ko siya pabalik. Kinalmot ko na rin siya kasi nakakagago na siya.

"Aray!" sigaw niya. Bagay lang yun sa kanya. Matagal na akong nangigigil sa kanya. Pinigilan naman kami ni Jimin at niyakap niya kaagad si Hani.

"Okay ka lang?" tanong niya sa kanya.

"Si Rona, sinaktan niya ako! Tingnan mo ginawa niya sa akin!" sabi niya at pinakita yung braso niya na may kalmot ko. Wow, best actress talaga ang babaeng ito.

"ANO BA ANG PROBLEMA MO AH?! UMALIS KA NA NGA DITO RONA! IWANAN MO NA NGA KAMI!" sigaw sa akin ni Jimin. Parang kanina lang gusto niyang doon lang muna ako tapos ngayon papaalisin na niya ako. Okay naman.

Tiningnan ko si Jimin at pagkatapos ay si Hani. Yung bruhilda, wagas kung makangiti. Umalis na rin ako kaagad dala yung box ko. Pagkadating sa apartment ko, tiningnan ko kaagad yung mga pictures sa box. Nandoon lahat except sa pinakapaborito ko.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now