Chapter 20

10.2K 545 276
                                    

Kid

Maaga ako umalis kila Angela dahil ayoko na makadisturbo sa pagtulog niya. Nag-iwan nalang ako ng note para hindi na niya ako hanapin. Pag di niya yun nakita, tanga siya. De joke only, huehue. Labyu Gelai.

Dahil Wednesday naman ngayon, mamaya pang 10 yung pasok ko at 7 naman yung kay Jimin. 8 na rin naman ngayon kaya siguro wala na siya sa bahay.

Pagkadating ko sa tapat ng bahay niya, kinuha ko yung susi at pumasok na sa loob. Pagkasara ko ng pinto, napatalon naman ako sa nakita ko sa sala. Bakit nandito pa siya?

Lumapit siya kaagad sa akin at niyakap ako. Agad naman akong kumawala dahil medyo sumasakit pa yung katawan ko sa ginawa sa akin ni Hani.

"Rona, saan ka ba galing?! Halos di ako natulog sa kaantay sayo! Di na nga rin ako pumasok dahil inaantay kita na makauwi dito eh!"

"Tanga ka ba? Sino ba nagsabi sayo na antayin mo ako? Diba wala? Kaya wag ka ngang mataranta diyan na parang boyfriend kita!" napatahimik naman siya sa sinabi ko sa kanya. Bagay lang yun, palagi naman siyang ganyan sa akin eh.

Dumiretso naman ako sa sa cr para maligo at pagkalabas ko ay wala na siya. Siguro umalis na at pumasok na sa school.

--

'Teka lang Rona. Nanlibre pa kasi sa akin si Kookie, kain muna ako. Mag-antay ka muna diyan sa park.'

Text bigla sa akin ni Angela. Mag-apply na kasi ako ngayon sa lugar kung saan siya nagtratrabaho. Habang nakaupo sa isang bench at nagtwitwitter para antayin siya, biglang may batang lalaki na umiiyak ang lumapit sa akin.

"Hi baby! Bakit ka umiiyak? Asan si mommy at daddy?" tanong ko sa bata.

"I don't understand you! Waa!" sabi niya at mas umiyak pa. Langhiya, spokening dollars yung bata. My nose is blooding.

"Oh, I'm sorry. I said why are you crying? Where's your parents?" tanong ko. Galing ko diba? Huehue. I is no understanding what is I saying.

"I'm lost!" sigaw niya at mas umiyak. Binuhat ko naman siya at tinabi sa akin.

"I'm Rona noona. What's your name?" pagpapakilala ko.

"Donghae."

"How old are you?"

"Five."

"Okay, I will help you to find your parents but first you should stop crying." tumigil naman siya sa pag-iyak niya. "You're such a good boy. What do you need so I can comfort you more?"

"I want a hug." pagkasabi niya nun, niyakap niya ako kaagad.

"Sino siya?" tanong ng isang pamilyar na boses. Pagtingin ko kung sino, nakita ko si Jimin. Akalain mo nga naman, nakita ko pa siya sa liit niya.

Sino siya? Anak natin, panagutan mo. Pwe, asa ako! Ulol ko. Hehehehe.

"Jimin, si Donghae nga pala. Nakita ko lang siyang umiiyak kaya nilapitan ko." sagot ko.

"Noona, who is he? Is he your boyfriend?" tanong ni Donghae. Ex ko lang siya baby. :--)

"Oh, he's not." sagot ko sabay iwas ng tingin kay Jimin.

"Why? You two look good together. What's your name?" tanong niya kay Jimin. Tengene. Baka reglahin ilong niya, wala akong dalang extra napkin.

"Sumagot ka." bulong ko sa kanya.

"Oh yes, I is mine name is Jimin." PUTA!

"You don't know how to speak english?" tanong ni Donghae.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon