Chapter 7

10.8K 587 362
                                    

Drunk

"J-jimin.." sabi ko pero hindi siya sumagot. Unti-unti ko siyang inusog dahil nakapatong siya sa akin at tumayo ako kaagad pagkatapos.

Hindi naman pwede na iwan ko lang siya dito. Sinarado ko ang pinto at binuhat ko siya dahil mahimbing ang tulog niya. Mabuti nalang at walang second floor ang bahay niya kung hindi baka mamatay ako dito dahil sa kanya. Akalain niyo, ang liit-liit niya pero ang bigat-bigat.

Agad ko siyang nilagay sa kama pagkadating sa kwarto niya.

"Grabe ka Jimin. May muscles na yata ako dito dahil sayo." bulong ko. Kumuha ako ng bimpo at palanggana na may tubig dahil amoy alak siya. Ang lakas pa nung amoy. Pinunasan ko yung mukha niya para mabawasan naman yung amoy.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tumitig sa mukha niya. Ang gwapo talaga ng nilalang na ito.

"Rona.." sabi niya bigla. Kinagulat ko nalang nang bigla siyang umupo at sumuka.

"Shit Jimin!" sabi ko. Buti nalang at naka-iwas ako kaagad. Ang problema nga lang ay sinukaan niya ng sarili niya.

Nilinis ko muna yung kalat na ginawa niya. Hindi naman pwede na iwan ko nalang siya na matulog nang basang-basa ng suka. No choice na talaga.

Unti-unti kong tinanggal yung butones sa damit niya at lumantad sa akin yung ano. Yung pandesal! Jusq! Tulungan niyo ako! Ang init! Ang hawt!

Hindi ko na pinunasan katawan niya kasi delikado. Baka may mangayari na ano eh hehe. Kumuha kaagad ako ng damit at sinuot yun sa kanya. Jusq, akala ko hindi ko na siya mabibihisan eh.

Pinunasan ko ulit yung braso at mukha niya. Lalabas na sana ako sa kwarto niya nang bigla siyang nagsalita.

"Rona. Huwag mo akong iwan." sabi niya.

"Teka lang Jimin. Babalik ako." sabi ko. Inayos ko muna yung bimpo na ginamit ko sa kanya kanina at yung damit niya na sinukahan niya. Pagkatapos ay bumalik ako kwarto at umupo sa kama niya.

"Bakit ka ba kasi uminom ah? Si Hani ba nagpumilit sayo? Diba sinabihan na kita dati na wag ng uminom ng alak? Hay nako, Jimin." sermon ko sa kanya habang natutulog."Lagi mo nalang ako pinapaalala." Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Nakakamiss lang eh.

"Rona." sabi niya bigla. Baka nananaginip lang. "Huwag mo akong iwan. Mahal pa rin kita."

Halos manigas ako sa pwesto ko dahil sa sinabi niya. Alam ko nakamove-on sa kanya pero bakit ganito? Bakit umaasa pa rin ako na magpapatawad siya sa akin at babalikan niya ako? Nakamove-on nga ba talaga ako?

Hindi ko napansin na nakatulog ako dahil sa katititig sa kanya.Pagkagising ko, nakahiga ako sa kama niya nang maayos at may kumot pa ako. Wala na rin siya sa kama niya.

Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko siyang umiinom ng tsaa sa kusina. Nakita niya ako at ngumiti sa akin.

"Thank you." sabi niya sabay ngiti. Ngumiti ako sa kanya pabalik dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

"Sorry nga pala kung napahirapan kita kagabi. Nahirapan ka ba sa akin?" tanong niya. Bakit parang naging berde ako doon? Sorry na!

"A-ano, hindi."

"Sure ka? Sumuka pa nga ako eh."

"Naalala mo yung mga nangyari kagabi?"

"Hindi. Nakita ko lang yung damit ko na may suka."

"Ah. Akala ko naaalala mo yung nangyari kagabi."

"Bakit? May dapat ba akong malaman?"

"Ha? Wala!" Ngumisi lang siya at pumunta na sa sala.

"OY TEKA LANG MR. PARK!" tawag ko sa kanya.

"Yes Ms. Lee?"

"BAKIT KA UMINOM KAGABI AH?! DIBA SABI KO DATI NA AYOKONG UMIINOM KA?!"

"Nagcelebrate lang naman ako ng pagkapanalo namin kahapon."

"CELEBRATE?! EDI SANA SUMAMA KA KILA JUNGKOOK!"

"Eh sa gusto ko magcelebrate kasama ng girlfriend ko?" Di ko naman maipaliwanag ang naramdaman ko nang marinig ko ang salitang yun na lumabas sa bibig niya.

"Girlfriend?" Tanong ko.

"Oo. Sinagot na ako ni Hani. May problema ka doon?" Bakit ganun? Bakit parang nalulungkot ako?

"Wala. Diba ayoko lang na umiinom ka?"

"Bakit? Sino ka ba para sabihin sa akin yan? Ex lang naman kita diba?" Pagkasabi niya nun, sinampal ko siya kaagad. Inayos ko ang sarili ko at pumunta na kaagad sa school.

Oo, ex lang niya ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako tumigil mag-alala sa kanya. Kahit papaano, kaibigan ang tingin ko sa kanya. Sana ganun din siya sa akin. 

"Rona! Cupcake ko!" bati ni Jungkook sa akin pagkapasok ko sa school. Last day na namin ngayon at bukas na ang start ng sembreak namin. Dapat nga last day ko na rin sa bahay ni Jimin pero nadagdagan ng lima pang araw dahil sa pinapaggawa sa amin.

"Kookie ko!" bati ko sa kanya pabalik. May binigay siya sa akin bigla.

"Flat tops nga pala para sayo." binigyan niya ako ng limang piraso.

"What's poppin?" bati ni Namjoon.

"OH MEEEENNNN! MAY CHOCOLATE SI KOOKIE!" sigaw ni Yoongi kaya biglang dumating yung iba pang members nung Bangungot. Lahat sila kumuha ng chocolate except kay Taehyung.

"Hyung, ayaw mo?" tanong ni Jungkook sa kaya.

"Ayoko, mukhang tae eh." Langhiya ka Taehyung.

"Teka, saan si Jimin? Hindi mo ba siya kasabay Rona?" tanong ni Hoseok.

"Hindi. Nalasing kagabi eh."

"ANO?! MAY GINAWA BA SIYA SAYO?!" tanong ni Jungkook.

"Wala. Ang OA ng ilong mo. Nasa bahay siya, baka mamaya pa siya papasok. Saka alam niyo na ba?"

"Hindi pa." pambabara ni Jin. Pinakyu ko siya.

"Si Jimin at Hani na." Bigla nalang naidura ni Taehyung kay Hoseok yung iniinom niyang tubig.

"Taehyung! You very dirtue watue! Don't touch my faceu!" reklamo ni Hoseok. Nagpeace sign naman si Taehyung.

"SILA HANI AT JIMIN NA?! HIPHOP IS DEAD! PERIOD! HIPHOP IS DEAD!!" sigaw ni Yoongi.

"Si Hani?! Mas maganda pa ako sa kanya eh!" sabi ni Jin.

"Kaya nga eh! Mas maganda pa si Jin kaysa sa Hani na yun!" sabi ni Namjoon.

"Ano ka ba Namjoon?! Kinilig pwet ko doon ah! Hihihi!" malanding sabi ni Jin.

"Tama na nga yang landian. So kailan pala tayo aalis?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Bukas na!" sabi ni Taehyung na sobrang excited. Sumang-ayon naman yung iba.

"Ako bahala sa camera!" sabi ni Jungkook.

"Isasama natin si Hani bukas." sabi bigla ng isang lalaki sa likod namin kaya lahat kami ay napalingon. Jimin.




Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now