Chapter 15

10.2K 548 406
                                    

Dedicated sayo! Labyu!

***

Truth or Dare

Hindi ako nagpalit kasi walang makakapigil sa akin. Ayun, ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Jimin.

Kaso ang di ko lang maintindihan ay hindi niya sinabihan si Hani nun. Mas labas nga ang kaluluwa nun kaysa sa akin eh. Diba dapat siya yung pagsabihan lalo na't girlfriend niya yun?

Pagkatapos namin magswimming ay nagpalit na kami kaagad ng damit namin at nagpahinga.

May apat na rooms yung rest house at may dalawang kama bawat rooms. Kaming tatlo na babae nagsama sa isang room, NamJin sa isa, YoonSeok sa isa, at VMinKook doon sa isa.

Dahil tatlo sila Taehyung sa isang room, si Jungkook yung nagdesisyon kung sino katabi niya sa kama at si Tae pinili niya. Ganun din kaming mga babae at kami ni Angela yung sa isang kama. Ayaw namin makatabi yung higad noh.

"Rona, ano meron sa inyo ni Jungkook?" tanong ni Angela. Nandito kami ngayon sa sala kasi nandoon si Hani sa room namin.

"Ganito kasi yun..." Simula ko at pinaliwanag ko sa kanya lahat.

"Ang swerte mo Rona." malungkot na sabi niya.

"Ano ka ba Gela? Ayaw ko naman sa kanya eh kaya ibibigay ko siya sayo, wag ka mag-alala. Itutulak ko siya papunta sayo."

"Talaga? Promise? Para naman akong desperada nun."

"Oo, promise. Kaya wag ka magselos. Promise, gagawa talaga ako ng paraan. Saka anong desperada? Ako ang nag-isip ng ideya na yun, hindi ikaw. Saka sa tingin ko bagay kayong dalawa. " sabi ko at niyakap niya ako.

Unti-unti naman nagsinglabasan sa mga kwarto nila yung Bangungot.

"Kain na tayo, please." sabi ni Taehyung habang hawak-hawak yung tiyan niya.

"Oo nga, makakain ko na talaga si Hoseok nito." sabi ni Yoongi kaya nabilaukan bigla si Hoseok.

"K-kakainin mo a-ako?" tanong ni Hoseok.

"OY YOONGI HYUNG! LAYUAN MO SI BABA!" pagbabanta ni Taehyung.

"READY NA YUNG PAGKAIN!" sigaw ni Jin bigla.

"YES! PAGKAIN!" sigaw ni Jimin at tumakbo na papunta sa dining area. Sumunod na rin kami. Pagkatapos ko kumain, dumiretso ako kaagad sa labas at umupo doon sa buhangin. Pinagmamasdan ko lang yung dagat. Naalala ko tuloy yung nawala kong picture namin ni Jimin.

Biglang nalang akong may naramdaman na babae na umupo sa tabi ko.

"Angela, ba--ohh hi. Akala ko ikaw yung kaibigan ko." sabi ko.

"Ayos lang yun. Ako nga pala si Hara." pagpapakilala niya at nagshakehands kami.

"Rona." sabi ko naman.

"Saan pala rest house mo? Ako doon lang." sabi niya sabay turo sa rest house na katabi sa amin.

"Magkatabi lang pala eh, ayun yung amin." sabi ko sabay turo.

"Oh. May kasama ka? Ako yung pamilya ko."

"Ah oo. Yung mga kaibigan ko." Habang nagkwekwento kami tungkol sa isa't isa, biglang may tumawag sa akin.

"Oy Rona! Hinahanap ka ni Angela!" sabi ni Hoseok. "May kasama ka pala." dagdag niya sabay ngiti kay Hara.

"Nga pala Hoseok, kaibigan ko si Hara. Hara, si Hoseok." nagngitian naman yung dalawa.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now