Chapter 21

11.6K 564 597
                                    

Text

[Now Playing: BTS - Hold Me Tight]

Kanina pa ako naiilang dito. Bawat kilos ko pinapanood ni Jimin. Kung nakatutunaw yung tingin niya kanina pa sana akong tunaw. Kaso di ko lang maintindihan, magkasama sila ni Hani pero yung atensyon niya nasa akin.

"Taehyung, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. Malay niyo kasi meron kaya nakatingin siya sa akin.

"Oo." sagot niya.

"Ha?! Asan?!"

"Yang mukha mo mismo WAHAHAHAHA!" kinuha ko naman yung pamaypay ni Jin na pink at binato sa kanya.

"KIM TAEHYUNG!"

"I love you Lee Rona, hehehe." halos masuka na ako sa narinig ko. Ayoko sa elyen, enebe. "De joke lang. Ang panget mo, ang gwapo ko, hindi tayo bagay." kinuha ko ang isa pang pamaypay ni Jin at binato sa kanya.

"AKALA KO BA AKO LANG?!" sigaw ni Hobi. Luh, sumbong ko to kay Hara.

"ANONG IKAW?! AKO LANG KAYA!" sabi naman ni Jungkook.

"Ang gwapo ko talaga." sabi ni Taehyung na tuwang-tuwa sa nakikita niya. Umalis naman ako kaagad kasi nakakagago na sila.

Habang naglalakad palayo, feeling ko nakatingin pa rin sa akin si Jimin. Sasaeng ko ba siya, jusq.

Didiretso na sana ako sa canteen nang may nakita akong pamilyar na tao sa may garden.

"Hara?" tawag ko.

"Uy! Rona!" sabi niya at lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Kumukuha kasi ako ng damo. Bigay ko kay Hoseok mamaya." sabi niya sabay pakita sa akin ng damo na nakuha niya.

"Ang sweet mo naman. Relationship goals na ba ito?" tawa naman siya ng tawa sa sinabi ko. Asan joke doon? Umalis na rin naman ako pagkatapos namin mag-usap. Pagkadating ko sa canteen, bumili ako ng pagkain. Wag niyo na tanungin kung ano, baka magutom lang kayo. De joke, huehue.

Habang kumakain, biglang may tumabi sa akin. Si Jimin. Tangina, baka patayin nanaman ako ni Hani nito. Tumayo ako kaagad para umalis pero hinawakan niya yung kamay ko.

Shet, nakukuryente ako. Yung puso ko! Waa! Kinikilig akoo!

"Dito ka lang muna. Sabay tayo kumain. Iiwanan mo nanaman ba ulit ako?" tanong niya. Bigla-bigla nalang itong humuhugot, kabanas.

"Luh, pinagsasabi mo? Ibabalik ko lang yung palto sa kanila." ayan kasi, tsk tsk.

"Ah ganun ba? Sorry na. Basta, balikan mo ako ah." sabi niya sabay ngiti. Kanina pa talaga ako natatakot sa kanya. Binalik ko yung palto doon sa staff ng canteen at pumunta kay Jimin.

"Chimchim." tawag ko at lumingon siya sa na tuwang-tuwa sa naring. Tanga ko, jusko.

"Ano yun, babe?" tanong niya. Sabi ko na nga ba tatawagin niya akong ganun eh, huhu. Isa kasi yun sa mga tawagan namin dati.

"A-ano kasi. Ayos ka lang ba? Ano nakain mo? Kanina pa ako nawiwirdohan sayo eh."

"Ayos na ayos ako. Kasama kita ngayon eh." Umalis na ako kasi natatakot na talaga ako sa kanya. Malay niyo, mabait siya ngayon tapos mamaya magagalit nanaman. "Rona! Saglit lang kasi!"

"Jimin, umayos ka! Kanina ka pa!"

"Lee Rona, sorry. Gusto ko lang talaga bumawi sayo lalo na nung bigla-bigla nalang akong nagagalit. Patawarin mo ako please." sabi niya sabay luhod sa harap ko.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon