Chapter 17

9.1K 511 105
                                    

Bad Dream

"Hara, kailan mo kinuha yung picture na ito?" tanong ko sabay pakita sa kanya yung picture ni Hani na may kasamang ibang lalaki.

"Yan ba? Kaninang madaling araw lang. Ang sweet nila diba?" anong sweet? Ang landi kaya. Zinoom-in ko yung picture at hindi talaga si Jimin yung kasama niyang lalaki. Imposible namang kamg-anak niya yung kasi magkahawak sila sa bewang ng isa't isa.

"Kilala mo ba yung lalaki?" tanong ko.

"Hindi mo kilala? Diba kasama mo yung babae? Hindi ba kayo magkaibigan?"

"Kaibigan lang siya ng isa naming kaibigan."

"Ohh. Pero hindi ko talaga kilala yung lalaki eh."

"Pwede bang i-send mo yang picture na yan sa akin? I-message mo ako sa facebook."

"Bakit naman?"

"Wala lang, basta."

"Okay. Saka Rona, ang sweet niyo ng boyfriend mo kagabi ah." napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong boyfriend? Sinong boyfriend? Wala akong boyfriend ah." tanong ko.

"Sige deny ka lang, huli ko kayo kagabi." kagabi. Ano ba ang nangyari kagabi? Ay shet. Wag kayong berde uy.

May hinanap siya sa camera niya at pinakita sa akin yung mga pictures namin ni Jimin nung sumayaw kami. Pero mas lalo pa akong nagulat sa isang pic. Yung hinalikan niya ako.

"Bagay na bagay kayo. Kilig nga ako sa inyo eh. " sabi niya.

"Hara, hindi ko nga--"

"Sige mauna na ako Rona. Mukhang hinahanap na ako. Isesend ko rin yun sayo! Bye~" sabi niya at bigla nalang tumakbo palayo. Okay naman.

Nung gumabi na, kumain na kami malamang. Hindi na rin kami nagcampfire ulit kasi inayos na namin yung mga gamit namin. Uuwi na kami bukas. Dumiretso naman kami sa tulog pagkatapos.

"Rona." tawag ng isang lalaki sa akin habang natutulog ako. Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko si Jimin sa tabi ko.

"Jimin?"

"Rona, mahal pa rin kita. Maging tayo nalang ulit, please." sabi niya habang umiiyak.

"Jimin, paano si Hani?" naguguluhan kong tanong.

"Wala akong pake sa kanya. Ikaw ang mahal ko, wala ng iba." pagkasabi niya nun, bigla niya akong hinila palapit sa kanya at hinalikan. Humiwalay naman siya sa akin nang bumukas bigla ang ilaw.

"MGA GAGO KAYO!" sigaw ni Hani na may hawak na kutsilyo. Tumakbo siya palapit sa akin at pagkasaksak niya sa akin ay bigla akong nagising.

Pinagpapawisan ako nang malamig pagkagising ko. Panaginip lang pala. Mga 4 am palang. Uminom naman ako kaagad ng tubig.

Dahil hindi ako makatulog ulit, napagdesisyonan ko nalang na antayin sila na magising kaya nanood nalang ako ng tv sa baba.

---

"Halikana!" sigaw ni Hoseok.

"Teka, dapat may magbuhat kay Rona. Medyo malayo yung pagkaparking nung sasakyan. Baka sumakit yung paa niya." sabi ni Jin.

"Bawal ako, marami akong dala." sabi ni Namjoon.

"Ako rin." sabi ng iba.

"As if bubuhatin ko yan." sabi ni Hani sabay irap. Edi wag, ayaw ko rin naman sayo eh.

"Hindi ako pilay, kaya ko naman maglakad." sabi ko at tumago lang sila. Habang naglalakad medyo kumikirot yung paa ko. Bahala na si batman.

"Aw.." bulong ko. Sumasakit talaga. Napalingon naman bigla sa akin si Jimin. Lahat kasi sila nauuna, ako yung nasa dulo.

"Hani, tutulungan ko muna si Rona." sabi ni Jimin.

"Don't you dare."

"I'm sorry." sabi ni Jimin.

"I hate you!" sigaw ni Hani at inunahan na yung iba papunta sa sasakyan. Lumapit naman sa akin si Jimin at lumuhod patalikod sa harap ko.

"Bakit ka nakaluhod?" tanong ko.

"Sakay ka sa akin." nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Oo na, ang berde ko puta. "Nagiging berde nanaman yang utak mo. Hilig kasi magbasa."

"PARK JIMIN!"

"Bakit? Hindi ba totoo? May collection ka nga ng 50 Shades of Grey eh! Tapos yung librong binibili mo purong may mga s--"

"PAKYU PARK JIMIN! IKAW RIN NAMAN AH!" tumawa lang siya sa sinabi ko. Ayan nanaman siya eh, tatawa-tawa ngayon pero mamaya babalik nanaman yan sa pagiging babae na may dalaw.

Pero walang hiya siya. Kung maka-asar sa akin kasi nagbabasa ako ng mga librong may mga 'mature content' akala mo hindi siya nagbabasa. Tuwang-tuwa pa nga yan kapag may mga ganung scenes. Ang libog hahaha.

"Sumakay ka na kasi! Bubuhatin kita! Piggy back ride!" masaya niyang sabi. Nawawala nanaman yung mata niya, pakihanap nalang salamat.

"Ayoko! Puntahan mo si Hani!" bigla naman niyang binigay yung mga dala niya kay Taehyung at binuhat ako.

"Arte mo." bulong niya at pinasok kaagad ako sa sasakyan. Ang sama naman ng tingin sa akin ni Hani.

"Thank you ulit. Balikan mo na si Hani." bulong ko sa kanya.

"Bakit ko siya babalikan? Siya ba ang ex ko? Kaya kung may babalikan ako, ikaw lang yun." sabi niya sabay ngisi at umupo na sa upuan niya.

"Muling ibalik ang ta--asdfghjkl!" pagkanta ni Hoseok pero sinubuan ko siya kaagad ng papel. Gawa rin naman yun sa dahon.

"Sweg." sabi ni Yoongi na nakangiti ngpang sobrang lawak kaya kitang-kita gilagid niya.

"Ang silaw po manong, pakisara yang bibig mo salamat." sabi ko at pinakyu niya ako kaya pinakyu ko rin siya pabalik.

---

/"LEE RONA!"/ sigaw ni Jungkook pagkasagot ko sa cellphone ko.

"Hating gabi na oy. Bakit ka ba sumisigaw ah!?" tanong ko habang kinakamot ko pa yung mata ko. Kakauwi lang namin kanina at dumiretso naman ako sa pagtulog pagkatapos.

/"Kasi ano..."/

"Ano?"

/"Ano..."/

"ANONG ANO?! ANUHIN KITA DIYAN EH!" sigaw ko. Kanina pa kasi paulit-ulit.

/"ANUHIN?! YAK RONA. BABOY MO. KISS LANG NAMAN SAPAT NA, GRABE KA."/ grabe siya oh. Akala ko ba magmomove-on na ito sa akin?

"Pakyu Jungkook, landi mo. Ano ba kasi yun?!"

/"Yung pinsan ko kasi, biglang pinauwi sa Pilipinas. Ewan ko kung ano nangyari, ang alam ko lang 3 months siya sa states. Uuwi na siya two days after kaya ayusin mo na gamit mo diyan."/

"HA?! EDI SAAN NA AKO TUTULOY?!"

/"Sa puso ko hehe."/ binabaan ko kaagad si Kookie ng cellphone. Gague eh. Humiga ulit ako sa kama at sinubukan matulog pero hindi na ako makabalik.

Saan na ako titira nito? Kailan ko talaga maghanap ng tabaho ngayon. Pero mukhang makikitira ulit muna ako sa bahay ni Jimin.



Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now