Chapter 25

9K 452 344
                                    

Magiging emo muna tayo ng konti ah :)

***

Forgive

Pagkagising ko, naligo at nagluto kaagad ako ng almusal ko. Hindi lang pancake ang kaya kong lutuin ah! Sadyang yun lang talaga ang paborito ni Jimin.

Aish! Jimin nanaman! Pwede bang sa inyo nalang siya?

Tumingin ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. Kinakabahan ako. Pagkatapos ng ilang taon na sinubukan kong layuan siya, magkakausap na kami nang maayos.

Paglabas ko ng apartment na tinutuluyan ko, pumara ako ng taxi at pumunta sa isang resturant kung saan kami dapat magkita. Di rin nagtagal at nakarating din ako. Unang tapak ko palang sa loob, nakita ko na siya. Nakangiti siya sa akin na parang wala akong ginawang masama.

"Anak, umupo ka." sabi niya at sinundan ko naman. Naiilang ako.

Malaki ang galit ko sa nanay ko. Pagkatapos mamatay ng tatay ko, doon ko nalaman na may kabit siya. Sumama siya kaagad sa lalaki niya at iniwan akong mag-isa.

"Rona, anak. Salamat dahil pumayag kang mag-usap tayo. Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya na nakakapag-usap na tayo nang maayos."

"Ano ba kasi gusto mong sabihin ah?!" iritado kong tanong.

"Okay, sasabihin ko na. Unang-una, patawarin mo ako. Oo, alam kong malaki ang galit mo sa akin pero bilang nanay mo, nagmamaka-awa ako. Patawarin mo sana ako." sabi niya habang naluluha.

Papatawarin ko ba siya? Di ko alam. Malaki ang galit ko pero tila lumalambot ang puso ko. Siguro ito na rin ang tamang panahon. Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad, tao pa kaya.

Pero kung si Jimin ang pinag-uusapan, di ko alam. Ilang beses na niya akong sinaktan at pinaasa. Feeling ko nagmamanhid na ang puso ko dahil sa kanya.

"Ma." tawag ko. Di ako sanay. "Pinapatawad na kita." tatlong salita na binitiwan ko ang nagpaiyak pa lalo sa nanay ko. Nagulat naman ako nang tumayo siya at niyakap ako.

"Maraming salamat, anak. Sobra-sobra. Hayaan mo sana ako na punan lahat ng pagkukulang ko bilang ina sayo." nakangiti niyang sabi at bumalik na sa upuan niya.

"Ma. Sorry din." nahihiya kong sabi. Ngumiti siya sa akin.

"Matagal na kitang pinatawad."

Nag-usap kami tungkol sa mga nangyari sa nakalipas na taon hanggang sa napunta ang usapan namin kay Jimin.

"Kamusta na pala kayo ni Jimin?"

"Kilala niyo siya?"

"Oo. Nag-usap kami dati at sinabihan ko siya na wag sabihin sayo dahil alam kong magagalit ka."

"Anong sinabi niya sayo?"

"Kung gaano ka niya kamahal. Hindi ka daw niya iiwan at sasamahan ka daw niya hanggang sa pagtanda. Ang sweet nga niya kaya boto ako sa kanya."

"Wala na kami. Matagal na." bitter kong sabi.

"Ha?" tanong ni mama pero nginitian ko lang siya. "Bakit?"

"Di ko rin alam. Basta." pag-iiwas ko sa tanong. Agad ko namang pinalitan ang topic at napunta naman kami tungkol sa pag-aaral ko at sa tinutuluyan ko.

"Anak, sumama ka nalang sa akin. Mas gaganda ang buhay mo pag sumama ka sa akin."

"Ma, paano yung mga kaibigan ko dito?"

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Where stories live. Discover now