Chapter 8

11K 586 542
                                    

Trip

Alam niyo yung feeling na ayos na ang lahat pero biglang may umepal? Si Hani yun. Yung hipon.

"Minnie, excited na ako!" sabi ni Hani habang nakayap sa braso ni Jimin at nakasandal sa kanya. Halata sa expression ni Jimin na ayaw niya sa tawag sa kanya ni Hani.

Minnie, wtf? Pero bagay naman kay Jimin, parang height lang niya kasi. Mini.

Ngayon kami pupunta sa Luneta. Hindi naman namin kaklase si Hani kaya wala naman siyang project na dapat gawin pero mukhang ibang project ang pinunta niya eh.

"We're going on a trip, in our favorite rocket ship! Zooming through the sky, little Einsteins~" kanta ni Jin habang sumasayaw ng nae nae si Taehyung at Hoseok.

"Rona, smile!" sabi ni Jungkook at pinicturan ako. "Selca naman tayo!" kinuha niya yung cellphone niya at nagpicture kami.

"Gisingin niyo nalang ako kapag nandoon na tayo." sabi ni Yoongi at natulog.

Si Namjoon naman, may sariling mundo habang nakikinig ng music. Parang timang nga eh, sumasayaw nalang bigla-bigla.

Nakasakay kami ngayon sa van nila Jin tapos may driver kami. Ang yaman kasi ng baklitang yan. Buong biyahe ganun kami. Minsan magkakatinginan kami ni Jimin tapos titingin sa iba kaagad.

Di rin nagtagal at nakarating na rin kami kung saan kami dapat pumunta.

"Huwag natin gisingin si Yoongi hyung, hehe." sabi ni Taehyung.

"PAKYU TAEHYUNG!" sabi bigla ni Yoongi. Nagulat naman kaming lahat.

"Akala ko ba tulog ka?" tanong ni Namjoon.

"Sa tingin niyo makakatulog ako sa ingay niyo?"

"Ang tagal naman! Halikana nga Minnie!" reklamo bigla ni Hani at hinila si Jimin palabas ng van. Pinakyu kaagad naming lahat siya pagkababa nila at pagkatapos ay sumunod na kami.

"Hyung, tingnan mo oh! Kamag-anak mo!" sabi ni Jungkook kay Hoseok sabay turo doon sa kalesa.

"Alam mo Jungkook, yung lugar na ito parang ilong mo. MALAKI! PAKYU JUNGKOOK!" sabi ni Hoseok sabay sipa kay Kookie. Kabayo nga naman.

Nagpicture muna kami para iikot nalang kami mamaya. Naunang magpicture sila Taehyung at Hoseok. Pareho silang nakajumpshot. Sumunod naman sila Jin at Namjoon. Binuhat ni Namjoon si Jin na parang bagong kasal. Sumunod sila Yoongi at Jungkook. Nakasimangot si Yoongi habang todo makangiti si Kookie. Nagrhyme, lol.

Last naman ay kami ni Jimin.

"Closer!" sabi ni Jin. Lumapit kami ng konti sa isa't isa. Hanggang ngayon medyo galit pa rin ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin kahapon kaya medyo awkward ang atmosphere namin.

"Ang arte niyo, magdikit nga kayo!" sabi ulit ni Jin. Bigla nalang umakbay sa akin si Jimin at ngumiti sa camera. Ngumiti nalang din ako.

Pagkatapos namin magpicture, bigla nalang lumapit sa amin si Hani at tinulak niya ako palayo. Tangina niya.

"Tayo naman magpicture!" sabi niya kay Jimin. Kapag talaga ako hindi nakapagpigil dito, sasabunutin ko na talagayang bruhilda na yan.

"Ayos ka lang?" pag-aaala ni Kookie. Tumango lang ako. Nagpicture sila at pagkatapos ay nagpicture naman kami ni Kookie. Pagkatapos ay buong grupo pero hindi kasama si Hani. Mabulok siya diyan. At pagkatapos ay solo shots namin.

"Ayan tapos na kayo sa solo niyo, ako naman." sabi ni Hani.

"Ah eh ano, puno na memory card ng camera ko." sabi ni Jungkook kahit hindi naman talaga. Inirapan lang siya ni Hani at umalis.

"Putangina talaga niyang higad na yan." sabi ni Yoongi. Pagkatapos namin magpicture ay umikot na kami.

"WOOO! ITO NA SI HOSEOK!" sigaw ni Taehyung habang umaakyat doon sa kalesa. Binatukan siya ni Hoseok kaya nalaglag si Taehyung at umakyat ulit.

Nung si Hani na yung sasakay, biglang hinampas ni Jin yung ulo niya gamit ang pink niyang pamaypay.

"Wala ng space para sayo." sabi ni Jin.

"May isa pa diyan oh!" sabi niya sabay turo doon sa tabi ko. Ew, parang gusto ko tumabi sa isang higad.

"Bros before hoes, si Jimin diyan." sabi ni Namjoon.

"Bakit si Rona? Hindi ba yan hoe?"

"HINDI SIYA HOE KASI SIS-BRO NA NAMIN YAN! PARTE SIYA NG BANGUNGOT PAKYUUU!!" sigaw ni Jin. Iritado na talaga siya hahaha.

"Huwag nalang tayo sumakay diyan, sa iba nalang tayo." sabi ni Jimin at umalis na sila.

"Akala ko ba bros before hoes? Bakit yung hoe pinili ni Jimin?" pagtataka ni Hoseok.

"Hindi naman kasi hoe yun eh! Hayop! Higad!" sabi ni Yoongi.

"Hayaan niyo na siya, mag-enjoy nalang tayo dito." sabi ni Jungkook.

"Kuya, paandarin niyo na si Hoseok! Woo!" masayang sabi ni Taehyung at pinaandar na yung kabayo.

"Grabe Hoseok, ang baho mo!" sabi ni Yoongi.

"Huwag ka dito magkalat ng kabahuan! Bumaba ka na Hoseok!" sabi ni Yoongi.

"HINDI NGA AKO YUN! YUN YUNG KABAYO!" paglalaban sa sarili ni Hoseok.

"Eh ano tawag sayo? Kabayo diba?" sabi ni Namjoon at tumawa kaming lahat.

"MAGPASALAMAT KAYO AT MGA KAIBIGAN KO KAYO KUNG HINDI ISA-ISA KO NA KAYONG PINAGSISIPA!" sigaw ni Hoseok at nagtawanan nanaman kami.

Pagkatapos namin sumakay sa kalesa, nakita namin sa ibang kalesa sila Hani at Jimin.

"Hindi yan pag-ibig, libog yan." sabi ni Jungkook na diring-diri sa nakikita niya.

"May pagkain oh! Kain tayo!" sabi ni Taehyung at pumunta kami sa mga pagkain.

Madami kaming binili at si Jin lahat nagbayad kasi mahal na mahal niya kami lalo na si Namjoon. Dejk ang, kasi mayaman siya. Pagkatapos naming kumain, bigla nalang namin nakita ulit sila Jimin at Hani sa daan. Bigla nalang akong binangga ni Hani at umaarte na parang hindi kami nakita. Tangina niya, gigil na gigil na ako sa kanya.

"HANI!" sigaw ko at pagkalingon niya ay sinabunutan ko siya kaagad. "PAKYU! PAKYU! MAMATAY KA NA! KANINA KA PA! WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SAYO! PAKYU!" sigaw ko habang sinasabunutan ko siya. Maraming tao ang nakatingin sa amin pero wala akong pake.

"Teka lang Rona, sama ako!" sigaw ni Jin at tumakbo palapit sa amin. Tumakbo rin palapit sa amin yung iba. Agad naman kaming inawat ni Jimin.

"Jimin, inaway niya ako. Sinaktan nila ako." sabi ni Hani habang umiiyak. Tangina naman. Best actress award ang bagay sa kanya.

"Huwaw ah! Ikaw kaya nagsimula tapos iiyak-iyak ka diyan?!" Sigaw ko.

"Jimin, huwag ka maniwala sa kanya. Nagseselos siya sa akin kaya niya ginawa yun."

"Ako, nagseselos?! FYI, matagal nakong nakamove-on!"

"ANO BA RONA?!" sigaw bigla ni Jimin. "ANO BA ANG PROBLEMA MO AH? KAMI BA? SA TINGIN MO BABALIKAN PA KITA? PWES HINDI! AYOKO SA TAONG NANG-IIWAN NALANG NG WALANG DAHILAN!"

"GAGO KA PALA EH! IKAW ANG DAHILAN!" sigaw ko pabalik sabay sampal sa kanya. Tumakbo ako kaagad palayo.

"Nandito lang ako." sabi bigla ng isang lalaki.

"Jungkook..." sabi ko at hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon