Chapter 18

9.6K 518 167
                                    

Dedicated sayo! Thank you sa pagbabasa ng story ko! Labyu! :)

***

Busted

"RONA!" sigaw ni Hoseok habang tumatakbo. Kanina nasa malayo lang siya, ngayon nasa harapan ko na. Ang bilis naman niya, palibhasa kabayo.

"Oh Hoseok, bakit? Naubusan ka ng damo?" binatukan naman niya ako bigla.

"Hindi! Nandito siya!"

"Sino?"

"Si Hara!"

"Oh tapos? Kilig nanaman yang baba mo? TEKA ANO?! ASAN?!"

"Nasa puso ko hihi."

"Landi mo, bahala ka na nga sa buhay mo. Asan pala si Jimin?" humaba bigla yung baba niya dahil sa tanong ko. De joke only, huehue.

"You is finds Jimin?" tanong bigla ni Yoongi. Saan ba ito galing? Malamang sa nanay niya, tanga ko sorry.

"MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG!" pagkanta ni Taehyung. Saan ba talaga sila nangagaling at bigla-biglang sumusulpot?!

"Hindi mo makikita yun, maliit eh." sabi ni Jin.

"Galing mo talaga Jin!" sabi ni Namjoon at niyakap si Jin. Kinikilig ako sa NamJin enebe. Bigla namang dumating si Jimin habang naka-akbay kay Jungkook.

"Rona, sinabi ko na kay Jimin na uuwi na ang pinsan ko. Nung una ayaw niya pero napapayag ko rin. Sorry talaga." sabi ni Jungkook.

"Rona." sabi ni Jimin at hinila niya ako bigla. Teka, nakukuryente yata ako sa hawak niya. Dinala naman niya ako sa isang lugar kung saan wala yung squad.

"Ngayon palang may mga rules na ako para sayo. Una, doon ka pa rin sa sala matutulog."

"Ang gentleman mo talaga, pakyu."

"Pangalawa, ikaw ang bahala sa pagkain mo. Wag kang hihingi sa akin."

"Ay, pu--"

"Pangatlo..." walang respeto itong pandak na ito. "Hindi natin pag-uusapan kung ano meron sa atin dati. Hindi mo papakialaman ang buhay ko."

"Sa tingin mo gusto ko pag-usapan yun?! Ulol mo! Pagkatapos mo ako lokohin, kapal ng mukha mo."

Sa tingin niyo naniwala ako sa paliwanag niya dati? Hahahahahahahahahaha hindi ah! Hindi naman yan magaling gumawa ng mga dahilan eh. Manloloko. 

"At ang pinakahuli, lahat ng gusto ko masusunod. Kung gusto ko pa magdagdag ng rules, wag kang eepal."

"Teka nga lang. Bakit lahat pabor sayo?!"

"Isa pa nga pala. Wag kang magrereklamo sa mga gusto ko, or else I'll punish you." teka ano? Punish? Nagiging berde nanaman ako, sorry na huhuhu.

"ISA KANG MALIIT NA PUTANGINA!" sigaw ko sakanya.

"See you tonight, I guess?" sabi niya sabay ngisi at umalis na. Akala mo naman kung sino magaling sa english. Pero teka, mamaya na?! Tinawagan ko kaagad si ilong.

"OY ILONG! MAMAYA NA AKO PUPUNTA SA BAHAY NIYA?!"

/"Oo."/

"A--"

/"Teka, nandiyan na yung espasol ni Yoongi hyung, bye."/ sabi niya at binaba na niya yung cellphone niya. Papatayin ko talaga yan mamaya.

Nung may break time ako, dumiretso ako sa cr. Anong gagawin ko? Syempre iihi. Alangan doon ako kumain. Pagkatapos ay nagsuklay ako ng buhok ko nang may pumasok sa loob.

"Rona?" tawag niya sa akin kaya napalingon ako.

"Hara? Dito ka nag-aaral?!"

"First day ko lang dito. Teka may kasalanan ka pa sa akin! Bakit di ka nagpaalam nung umalis kayo ah?!"

"Hehe, oo nga pala. Sorry na. Nagmadali kasi kami nun eh. Sorry talaga Hara."

"Hindi, ayoko."

"Sorry na, huhu. Ibibigay ko sayo number ni Hoseok patawarin mo lang ako."

"Ikaw talaga, binibiro lang kita! Akin na yung number niya." lakas naman ng tama nito sa baba niya. Binigay ko sa kanya yung number ni Hoseok at pagkatapos ay nagbonding kami.

Pagkatapos ng klase, dumiretso na ako doon sa apartment ng pinsan ni Jungkook at inayos lahat ng gamit ko. Di rin tumagal at dumating na si Kookie para tulungan ako dalhin yung mga gamit ko kahit dalawang bag lang yun.

Dahil pinagpalit ako ni Jungkook sa espasol ni Yoongi, nilagyan ko siya ng vicks sa ilong niya.

"Ang anghang, Rona! Ayaw mawala!" paiyak na sabi ni Jungkook. Baby talaga.

"Espasol pala ni Yoongi ah! Magdusa ka at yang malaki mong ilong! Wahahaha!" sigaw ko sabay heart sign. Di rin nagtagal at nakarating kami sa bahay ni Jimin. Kumatok kami at pinagbuksan naman kami ni pandak.

"Shit." bulong ko pagkita ko sa kanya. Kasi naman, nakasleeveless lang siya. Tapos ang hot nung itsura niya pagkabukas ng pinto. War of hormones huhuhu.

"Pasok." sabi niya kaya natauhan ako bigla.

"Ha?" sabi ko. Tumawa naman sila ni Jungkook. Oo na tengene, ang berde ng utak ko. Pagkatapos ayusin yung mga gamit ko, nagpasalamat ako kay Jungkook pero pinakyu lang niya ako kasi nga yung ginawa ko sa ilong niya.

"Rona, gawa ka ng pancakes para sa akin." sabi ni Jimin.

"Pero kakarating ko lang."

"Wala akong pake. Magluto ka na tapos hugasan mo yung mga gagamitin mo." sabi niya at pumasok na sa kwarto niya. Langhiyang pandak. Nagsimula naman akong magluto at pagktapos ay dinala ko sa kwarto niya.

"Yan na." sabi ko at inabot sa kanya. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Teka lang, may nakalimutan ka yata." sabi niya. Napataas naman yung kilay ko.

"Ano?"

"A-ano, wala pala. Nevermind. Lumabas ka na ng kwarto ko." sabi niya at sinunod ko naman.

Kung di ako nagkakamali, yung sinasabi niya ay yung ginagawa ko palagi sa tuwing ginagawan ko siya ng pancake. Palagi kasi siyang naghihingi ng halik sa pisngi kapag gumagawa ako nun.

Agad ko naman hinugasan yung mga ginamit ko sa pagluto ng pancake at dumiretso na sa sala. Binuksan ko yung facebook ko at may nakita akong message. Binasa ko yun at galing pala kay Hara.

Hara: Rona, laptrep si Hoseok! Wahahahahahahha!

Hala, ang corny nga nun eh.

Hara: Teka, yung mga pictures nga pala! Nakalimutan ko, si Hoseok kasi eh! Ang haba ng baba! Send ko lang sayo.

Isa-isa naman niyang sinend yung mga pictures. Una niyang sinend yung sa amin ni Jimin. Hindi ko alam pero sinave ko lahat ng iyon. Napatagal naman yung tingin ko doon sa magkahalikan kami. Naalala ko tuloy yung nawala kong picture.

Pagpindot ko ng next, yung picture naman ni Hani na may kasamang lalaki yung sumunod. Habang tinitingnan yung picture, bigla nalang may humablot sa cellphone ko.

"Jimin!" sabi ko at sinubukan kong agawin sa kanya yung cellphone ko pero niyakap niya ako kaagad kaya hindi ako nakagalaw.

Napansin ko nalang na tinignan niya yung picture. Akala ko yung picture ni Hani ang nakita niya pero yung amin pala yun. Siguro nalipat doon dahil sa sinusubukan kong agawin sa kanya yung phone ko. Bumitaw naman kaagad siya sa yakap.

"Ano ito?!" sigaw niya. "Kailan ito?!"

"J-jimin..." bulong ko.

Tiningnan niya lahat yung mga pictures hanggang sa nalipat niya sa picture ni Hani.

"H-hani?"










Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon