Chapter 28

8.3K 475 370
                                    

Hotel

[Pandak este Jimin's POV]

Ang gwapo ko.

Yung totoo? Nasa EDSA ba kami o LA? Traffic eh. I is stressening. Ang haba ng traffic, parang baba ni Hoseok hyung. After 69 miliseconds, umusad na rin. 

"OH MY GOD! I IS HEPPY!" sigaw ni Hoseok hyung.

"You is shut down." sabi ko sa kanya. Si Namjoon hyung kanina pa tinatakpan ang pagmumukha niya sa tuwing nag-eenglish kami. Siguro di uso ang mukhang badjao dito sa LA.

Napatingin naman ako sa likod ko at may nakita akong taxi. Ibang-iba talaga itsura ng mga taxi dito sa LA. Kaysa sa clear yung salamin, kulay black.

Parang si Kai este Binay.

Di rin nagtagal at nakarating na kami sa isang hotel. Tinawagan ko naman kaagad si Hani.

["Bakit ka tumawag?"] bungad niya.

"Hani talaga pangalan mo diba?" tanong ko.

["Oo, bakit? Anong kagaguhan nanaman yan Jimin?"]

"Kasi HANImal ka! WAHAHAHAHA!" Bigla nalang niya binaba yung tawag. Aba, bastos. Tinawagan ko siya ulit.

"Ba't mo binaba yung tawag ah?!" Tanong ko.

["Gago ka kasi eh. Bakit ka ba tumawag ah?"]

"Diba may hotel kayo sa LA?"

["Oo, bakit?"]

"Nandito kasi kami. Libre mo kami ng isang linggo, hehe."

["OY PARK JIMIN! ANO KA SINUSWERTE?! 3-STAR HOTEL YAN TAPOS ILILIBRE KO LANG KAYO?!"]

"Diba may kaso ka pa sa akin? Yun nalang pambawi mo, hehe."

["Walanghiya ka Jimin! Magpasalamat ka talaga at malaki utang ko sayo! Fine, ibigay mo phone mo doon sa receptionist!"] utos niya. Ano daw? Ibigay ko raw kanino? Sa rapist?

"Ano sabi mo? Sino yun?" tanong ko.

["Ibigay mo doon sa tao sa may counter!"]

"Ahh! Linawin mo kasi!" sabi ko at inabot na doon sa rapist ba yun? Nag-usap naman silang dalawa at pagkatapos binalik na sa akin yung phone kong Nokia 3693.

"Thank you, Hani."

["Pwe."] sabi niya at binaba na ang tawag.

Matagal na kaming okay ni Hani. Nagsorry na rin siya sa akin. Pinatawad ko na siya dati pa. Saka naalala niyo yung picture ni Hani na may kasamang ibang lalaki sa beach? Nagkita ulit sila at naging sila na. Atleast ngayon nagbago na siya kaya wag na kayo magalit sa kanya.

Pero realtalk, wag na kayo magalit sa kanya. Sobra-sobra siyang nagsisisi. Sa totoo lang, tinulungan niya kami para makapunta dito.

"Here's your key sir. Your room number is 69." sabi nung 'rapist' at binigay sa akin yung susi. "Here's another key since one room can't occupy seven of you. The room number is 96." dagdag niya. Tumango lang ako kasi wala naman akong naintindihan.

"Hyung! Nasa akin na yung mga susi." sabi ko at binato kay Namjoon hyung yung isang susi.

"Magkasama kami ni Kookie sa isang room!" sabi ni Taehyung. Aba, gusto solohin si Kookie.

"Hala! Gusto ko kasama ko si Taehyung! Sama na rin ako sa kanila!" sabi ni Hoseok hyung.

"Jin, samahan mo sila sa room nila. Dapat may magbantay sa mga bata." sabi ni Namjoon hyung at inabot kay Jin hyung yung isang susi.

Living With my Ex-boyfriend [Jimin ff]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें