SO-6

169K 2.5K 247
                                    

Obsession-6



------------------------------------


"Ok na mga gamit niyo?"

Naghihikab na nagsisagutan ang mga sakay ng van at muling pumikit. Alas kwatro palang ng madaling araw, at ang siraulong Trek Alas tres y medya ngalampag sa mga apartment namin. Mabuti nalang at sa Apartment ko natulog si Eiji. Hindi daw sila nahirapang gisingin ito. Sumiksik sa leeg ko ang katabi at hinapit pa akong lalo pasiksik sa kanya. Rinig ko pa ang mahinang hilik niya. Hindi na ako makakatulog nito. Nasa likod namin sina Sven at Alexa na parehong tulog, Then sa back seat sina Storm at Lauren. Narito din si Kiana na nakahilig kay Trek. Si Pres. Azula na yakap yakap ni Cali na humihilik din.

Akala ko si Gia ang isasama ni Cali, pero hindi at si Pres. pala ang isasama niya, nakakapagtaka ah? Imagine napasama niya si Pres. Azula? Kahit nadidistract ako kay Eiji, sinibukan ko pa ring pumikit. Ngunit bigla akong napamulat ng may parang impit na napaungol.

Seryoso? Sa loob ng van? Hindi ako ignorante at mas lalong di ako inosente para di malaman ang tunog na iyon. Gustuhin ko mang lumingon hindi ko magawa dahil sa mukha ni Eiji na nakasubsob sa leeg ko. Was it Storm and Lauren? Rinig ko padin kasi ang hilik ni Sven. Napabuntong hininga na lamang ako at pinikit ang mga mata---

"Hoy Hidalgo, wag ka ngang sumiksik sa leeg ko." narinig kong protesta ni Pres. Azula. "Ano ba En! Nakikiliti ako. Tatamaan ka sa akin."

"Mahal na Reyna naman, ang ingay mo. Inaantok pa ako." Napangiti nalang ako ng di ko na marinig ang protesta ng dalawa. HindI ko alam kung hinayaan ba ni Pres si Cali o natulog padin ang lalaki ng ayon sa gusto nito.

Muli kong pinikit ang mga mata at inayos ang pagkakahilig ni Eiji sa akin.



---------------------------------

"Whew!"

Ang ganda ah! Tinaas ko ang sunglasses ko at tumingin sa paligid. Pino ang buhangin, nagkalat ang mga bakasyonista.

"Coca cola whew!" sabay-sabay kaming napatingin kay Trek ng pumito ito at pumalatak ng may magdaang tatlong babae na naka two-piece. Ngumisi si Sven pati si Cali, wag niyo na alamin si Storm dahil matik nayon.

"Mata mo Hidalgo!" sungalngal dito ni Pres at kinutusan pa ito matapos ayusin ang salamin sa mata.

"Mahal na Reyna selos agad! Ikaw lang naman ang seksi sa paningin ko." banat naman ni Cali na ikinatawa namin ni Kianna. Sinulyapan ko si Eiji if she's looking with some girls too. Ngunit cellphone ang hawak niya. Kunot noong susubukan ko sanang silipin ang phone niya ng magsalita si Storm.

"Let's go Babe, and quit texting. Magkasama tayo sino-sino pa katext mo." Agad na lumipad ang tingin ko kay Lauren. Halos magkasabay na binulsa nila ni Eiji ang phone nila. Ng ibalik ko ang tingin sa boyfriend ko ay matamis na siyang ngumiti sa akin. Coincidence lang siguro. Nag check-in agad kami sa hotel, magkasama si Trek at Kianna as usual, si Sven at Alexa, si Storm at Lauren. Pero kami ni Eiji.

"Ayoko." tipid na wika ni Pres at sumulyap kay Cali. "Si Korin ang kasama ko, ikaw Shaw samahan mo yan si Hidalgo."

"Ha?" laglag ang panga na wika ni Eiji, nagpapatulong na nilingon ako na. Telling me na wag sumang-ayon kay Pres. Ngunit hinigit na agad ako ng babae sa kamay at naglakad patungo sa entrada ng hotel.

"Quin naman!" Humabol ulit si Cali at humarang sa daan namin. And Eiji grab the opportunity para hilahin ako sa bewang at simangutan.

"What?" natatawang wika ko.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon