SO- 27

122K 2.1K 200
                                    

A/N:

Ahmn...Fellas, I just want to say thank you for keep reading this Story.

Palamas po--Este Salamat!! Salamat po! Josko, nahahawa na ako kay Storm.

Xoxo

V_Ayesha






Obsession 27

--------------------------

San Francisco, California

''Bakit ba kasi ako ang naisipan ni Dad na ipadala dito?"
Tinawanan lang ako ni Kuya Enzo. ''Pwede naman yung ignorante niyang Sekretarya ako pa ang naisipan niya.''

"Wow! Maka ignorante ka ah?" Uminom siya sa kapeng inorder ko para sa kanya at inabot sa akin ang isang asul na porfolio.

"Ignorante naman talaga! Pagbubukas lang nga ng laptop, parang mamatay na." Humagalpak na ng tawa ang kapatid ko, totoo naman. Laptop lang halos maiyak ng mag auto-sleep ang laptop na bigay ni Daddy.

"Pero aminin mo. Takaw pansin ang secretary ni Daddy." Pinagalaw-galaw ni Kuya ang kilay niya. Muntik ko na tuloy maibuga ang kape ko sa sinabi niya.

"Paanong di takaw pansin? Eh tatanga-tanga nga! Ignorante pa. Pwede ba Kuya!"'

''Oo na! Oo na! That's the plan for our tower expansion here in San Francisco, review mo yung mga details. Kung may di ka magustuhan sa plano itawag mo agad sa akin."

"Yeah whatever Kuya! I'll go ahead now. Tatapusin ko ito agad, ng makauwi na ako."

"God Bro. Loosen up! Daming chikababes dito!"

I just rolled my eyes at lumabas na ng Cafe. I headed to the parking lot at pinatunog ang kotse ko. Pagkabukas ko ng kotse ay hinagis ko na lamang ang folder sa backseat. Ihahagis ko narin sana ang phone ko doon ng tumunog naman iyon.

"What?!" Ano namang kailangan nitong ungas kong kapatid.

''Chill bro. Hahaha! Nakalimutan ko ibigay sa iyo yung usb, nakasave dito yung 3d plan para sa buong tower.-

"Buisit ka talaga!" I ended the call at sinara ulit ang pinto ng kotse. Salubong ang kilay ko naglakad pabalik sa cafe. Dapat pala dinala ko nadin yung portfolio para maihampas ko sa kanya. Pabalya kong binuksan ang pinto.

"I'm sorry...I'm very sorry Ma'am."

Nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. No, Eiji...Nagkamali kalang ng dinig. Humigit ako ng malalim na hininga at tiningnan ang pinagmulan ng tinig.

Shit...

Gising ako diba? I'm in fvcking reality right? Three years...Three years akong naghintay, three years ko siyang hinanap. And yet, nandito lang pala siya sa San Francisco? Ganoon parin ang kulay brown niyang buhok, she still has that beautiful blue green eyes. Natuod ako sa kinatatayuan ko habang siya naman ay naglalakad patungo sa akin.

Hindi siya galit? I can't see any any glint of hatred on her eyes. Dire-diretso lamang siyang naglakad patungo sa akin, and I almost fall on my knees ng sumuot sa akin ang pabango niya. My chest tightened at halos kapusin ako ng hininga ng lampasan lamang niya ako.

Hindi ba niya ako nakita?

"Fe---"

"Ma'am Feit naman! Sabi ko sa inyo antayin niyo ako. Paano kung mabangga kayo at mabuwal?"

"ok lang ako Mei, kabisado ko naman na dito. Sa tagal ba naman nating nagkakape dito. It's just a piece of cake."

Oh God...

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon