SO-16

124K 1.7K 32
                                    


Obsession 16

Gusto kong itanong kung bakit iniwanan niya si lauren sa condo ni Eiji, pero di ko alam ang isasagot sa oras na tanungin nya ako kung anong masama doon. Kasalukuyan kaming kumakain sa isang resto, habang hinihintay ni Aerith si Tyler. And I hate the way he looks at me. Well anong bago doon?

"You don't have a girlfriend Alexis?" Tanong dito ni Aerith. Storm just smiled at her. "Wag mo akong ngitian Hudson, tinatanong kita."

"I have, but can't consider her a steady gf."

Napause ang pagkain ko ng sundae at sinulyapan ang lalaki. What does he mean by that?

"I don't get you." Napanguso ang katabi ko.

Bago pa nakasagot ang binata ay siya namanh dating ni Tyler at humalik sa pisngi ng babae.

"So you two huh?" Storm teased them. Tyler just gave him his middle finger, na tinampal agad ni Aerith.

"Where's Artemis, Feit?" Baling sa akin ni Tyler at kumuha sa fries ng nobya.

"Condo niya,"

And in the corner of my eyes, kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi ni Storm. Nakakairita talaga ang presensiya niya!

"Anyways, before I forgot my birthday would be on the next week. I'm expecting you two, to come." Tumayo na ito at gusto kong mapa-hallelujah--- "Let's go Korin."

"What?" Bulalas ko at tinuro pa ang sarili. Seryoso siya? Sa tingin niya ba sasama ako?

"Yeah Feit, sumabay kana. Awkward naman kung ikaw lang mag ko-commute, dala naman ni Storm si Bethilda." Natatawang sabi ni Tyler. "Besides, may date pa kami." Then he winked at Erri.

I glanced at Storm na nakataas ang kilay sa akin at nakangisi habang pinapaikot ang car keys sa hintuturo nya.

Ano pa bang magagawa ko.

Matapos tumayo ni Erri at Tyler, sumunod nadin ako at sinukbit ang bag ko sa balikat. I flinched as I felt Storm's hand on my elbow. Matalim ko siyang sinulyapan ipiniksi yon.

But the jerk just laugh! And did it again!

"Hands off Hudson!" I hissed him. Ngunit ngumisi lang siya at lumampas ang tingin sa akin.

"You okay Feit?"

I fake a smile to Aerith bago pinandilatan si Storm. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa parking lot and there I saw his favorite Red Ferrari-F1. Si Bethilda. I sigh, as I watch my friend waving her hand on me. Sumakay na ito sa sasakyan ng nobyo.

Hindi ako nagpasalamat ng pagbuksan niya ako ng pinto at saka siya umikot patungong driver seat.

"Saying Thank you, is not that heavy you know?"

"Hindi ka ka-thank you thank you pwede ba." Sikmat ko sa lalaki at agad na nangalumbaba sa sulok ng upuan. I heard him chuckle before inistart ang makina, at ako naman ay mabilis na nagsasalpak ng earphones sa tenga.

Ayokong marinig ang mga kalandian niya. I closed my eyes and focus on the music. Wala akong mapapala kay Storm---"What the hell! Storm!"

Nanlalaki ang mga matang napasiksik ako sa sandalan ng bigla niyang ihinto sa tabi ang kotse, at dumukwang sa akin. Maling ideya talaga na sumama sa kanya at mapag-isa kayong dalawa. Sa kamanyakan niyang iyan.

"Get off me ano ba?!"

"Seatbelt Madame'" tipid lang niyang sagot at inayos ang pagkakalagay ng seatbelt sa akin. Pigil ko ang hininga habang nakatingin sa braso niyang nagpe-flex ang muscles habang inaayos iyon.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon