SO-11

162K 2.2K 189
                                    

Obsession 11


-----------------------------------

"I'll pick you up later okay?"

I smiled at Eiji and give him a  kiss on his lips. Pakiramdam ko mapupunit ang labi ko sa pagkakangisi. Iba talaga epekto ni Shaw sa akin. Natawa akong lalo ng maalala ang nangyari kagabi. I'm ready to give up my virginity to him, pero ang loko sa sobrang pagod yata. Nakatulog matapos tumawag ni Kuya Brent. 

"Kayo na ulit?" Salubong agad sa akin ni Lauren. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kaibigan. Why does she sounds disappointed?

"Oo, bakit?" Kunot noong tanong ko. A sudden grin played on her lips at bigla akong niyakap.

"Gash! I'm so close to move para huntingin si Eiji at suyuin ka! Besides, it's his fault!" Pinaikot niya ang eyeballs at hinatak na ako paupo sa seat ko.

Lauren is really weird. Pumasok na ako sa loob na room habang nasa likod ko si Lauren. Nahagip pa ng paningin ko ang demonyong iyon na nasa sulok ng room habang may kandong na babae, na busy sa paglalaro sa butones ng uniporme niya.

Tss.... Manwhore.

Deadma akong naglakad at naupo sa seat ko at inayos ang tuwid na buhok. I heard someone chuckled behind me at kahit di ko na tingnan iyon, I know its the devil.

"So kayo na naman ulit huh?"

Pinigilan kong umimik o magbigay ng kahit na anong komento. Thankfully, hanggang matapos ang klase namin at dumating ang lunch break ay hindi naman niya ako pinaringgan pa at tinapunan ng tingin. Because honestly...

This past few days, mas nakakaramdam na ako ng takot sa mga kinikilos at tingin niya. Pakiramdam ko kahit saan ako magpunta may mga mata siyang nakamasid sa akin. As if he knows what I'm doing.

Ng tumunog ang bell, agad kong inayos ang gamit. Thankfully again, hindi naman siya nagpaiwan at tinapunan ako ng mga makakahulugang tingin o salita. Agad akong lumabas sa pag-aakalang naroon na si Eiji.

But he's not yet here...

I frowned as I checked my wrist watch. Nilabas ko nalamang ang phone at tinext si Eiji na sa canteen ko siya hihintayin. Habang naglalakad ako patungo sa canteen ay napansin ko ang bahagyang lingunan at bulungan ng mga estudyanteng nasasalubong ko at nakakasabay ko. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nila.

Cali and Pres. Azula.

"Quin naman! Why can't you see the fact that its not me who kissed that cheerleader!"

Nag-angat ako ng tingin, and I saw Cali. nakatayo ito sa harap ni Pres. Azula na nakaupo naman sa bench at busy sa pagbabasa ng libro. Napahinto ako sa paglalakad at pinagmasdan sila. Obviously, Cali is damn serious on her.

"I don't need your explanation Hidalgo. I didn't even ask you to explain what I saw earlier. Because I don't fvcking care." malamig na wika ng babae.

"You don't fvcking care, but ever since you saw me on that scene, hindi mo na ako kinausap! Ni hindi mo na ko hinahayaang sabayan ka at sunduin ka? Seryoso kang wala kang pakialam!?"

Mahina akong natawa sa narinig. Obviously again... She cared. Knowing Pres. Kapag wala siyang pakialam hindi niya babaguhin ang trato niya sa'yo. She will treat you casually. Pero sa sinabi ni Cali. She's affected.

"Pwede ba Hidalgo? Lubay-lubayan mo ako." there's a slighlty irritation on her voice. "You can kiss every bitch and empty headed cheerleader you want, basta hindi nila ako guguluhin. Leave me alone. Ever since you glued your ass next to me, naging telenovela na ang buhay ko. Bullshit."

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon