SO-37

103K 1.6K 141
                                    

Obsession 37

"Merry Christmas Ate!"

Niyakap ako ni Stella at pinatong ang regalo sa kandungan ko. Sabi ni Storm kaming dalawa daw ang magbubukas ng Christmas gift ko. Gusto ko sana siyang bigyan, kaso ayaw naman niya. Tinakot pa ako na magagalit talaga siya kapag nagpilit pa ako. Okay na daw na magkasama kami.

Pero asan na ba yung buisit na Storm na iyon?

Matapos akong ihatid ni Lauren sa kanya, ilang sandali lang iniwan narin niya ako. At kung saan siya nagpunta ewan ko sa kanya.

"Are you okay?"

''Eiji. I'm fine, bakit nandito ka? Asan ang mag-ina mo?"

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. ''They are with Tito Claud. Binubuksan yung regalo ni Erion."

Dumaan sa amin ang katahimikan. Ni sa hinagap hindi ko inakala na darating ang ganitong pagkakataon. Na uupo kaming magkatabi, hindi dahil sa nag-iibigan kami. Kundi magkaibigan na lang kami. Buong buhay ko, si Eiji ang inaasahan kong makakasama ko habang buhay.

Hindi ko inaasahan na maghihiwalay kami. At magkakaroon ng magkaibang direksiyon ang buhay.

"Ito ang unang pasko na sasalubong akong, hindi na kamay mo ang hawak ko." Umawang ang bibig ko ng gagapin niya ang aking palad. ''Mahal parin kita. Pero hanggang doon nalang yon, hindi naman na kasi tayo pwedeng bumalik sa dati. Hindi na ako ang mahal mo. Kaya ano pang magagawa ko diba? Kundi palayain ka."

Gumaralgal ang boses niya. Pati paghinga niya ay naging mabigat.

"Eiji..."

"Kaya halika na. Ihahatid na kita sa forever mo." Mahina siyang tumawa at inalalayan ako patayo. "Sabihin mo sa akin kapag nahuli mong may iba yon ah. Promise. I'll fvcking cut his balls."

''Siraulo!" Inayos niya ang pagkakahawak sa aking kamay, pinaikot niya sa kanyang braso kaya nagmukhang escort ang labas niya. "Saan ba tayo pupunta? Para namang ihahatid mo ako sa Altar nito eh."

"Magpapakasal na tayo, habang busy si Storm."

''Eiji!"

"Joke lang ito naman."

Napailing na lamang ako.Natigilan ako at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik, tanging boses lamang nung babaeng singer na live na kumakanta at ng piano ang naririnig ko. Anong nangyayari? May inimbitahan bang performer sina Storm?

''Ji, anong meron?"

''Just continue walking, Feit." Aniya, ng hindi ako humakbang ay marahan na niya akong hinatak patungo sa kung saan. "Sabi ko lakad lang eh."

"Ano ba kasing meron?" Pakiramdam ko takaga may hindi tama, parang walang katao.tao at kami lang ni Shaw ang narito.

Huminto si Eiji bigla, magtatanong sana ako kung bakit pero may pumalit sa kanya sa aking tabi at ikinawit din ang kamay ko sa kanyang braso.

"You didn't tell me, dito ka sa Mansion ng mga Hudson magpapasko."

Namilog ang mga mata ko. Balak ko ng tumigil sa paglakad ngunit pinigilan ako nito. "Ate..."

"Save your tears later. Wala akong balak na pagmukhain kang aswang dito." My sister chuckled. Nangilid ang luha ko ng marinig iyon sa kanya. This is the first time na narinig ko siyang masaya. "Oh, baka makalimutan ko. Held this."

May nilagay siya sa kamay ko. At sigurado akong bulaklak iyon. Arghhh! Ano bang gimik nila ngayon.

"Seryoso, Ate. Ano bang meron?"

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon