SO-10

159K 2.2K 387
                                    


Obsession 10


--------------------------------

Wednesday.

Gaya ng inaasahan ko, sinalubong ako ng ibat't-ibang komento pagkapasok ko sa school. Merong pumuri sa new look ko, meron ding tuwang tuwa dahil break na kami ni Shaw. Halos karamihan nega. Well whatever. I flipped my hair at taas noong pumasok sa clasroom, ramdam ko ang tingin at bulungan ng mga chismosa sa paligid, meron ding napapasipol na kaklse kong lalaki ng madaanan ko. Buti nalang wala ang manyak at buisit na Storm.

"Hoy! Anyare sayo tinatawagan kita?"

Nilingon ko si Lauren at tipid lang na nginisihan. Bigla din nman itong napangisi at ngumuso sa akin.

"Ganda natin ngayon ah? Nakakatomboy lang. Ewan ko nalang kung di maglaway pabalik sayo si Shaw."

"Para mong sinabing ngayon lang ako gumanda, at pangit ako noon ah!"

Humagalpak ng tawa ang bruha at tumabi sa akin. "Hindi naman, I mean kasi noon simpleng ganda kalang eh. Ngayon..." She wiggled her brows at sumenyas ng sexy body sa hangin. "Chiks na chiks!"

"Gaga."

Sabay kaming napatawa, at sa peripheral vision ko nakita ko ang pagpasok ng manyakis na Storm habang nakikipagharutan sa muse namin. Ang landi talaga! Sinulyapan ko si Lauren at nakataas kilay din siya. Umirap ako ng malupit ng magawi sa direksiyon namin ang hudyong lalaki.

Manyak. Bakit ba ang lalandi ng circle of friends ni Shaw?

Buong klase ay lumilipad ang isip ko. Kahit naman kasi ayaw ko maalala si Eiji, di ko maiwasan. Halos patapos na ang klase namin, ngunit patuloy lang na lumilipad parin ang isip ko.

Damn.

Namimiss ko si Shaw.

Usually pag ganitong oras, nararamdaman ko na ang vbration ng phone ko. But up to now, wala padin.

I sigh...

Buisit! Lihim kong pinilig ang ulo at inalis siya sa sistema ko. Bakit ba ako nagbabalik tanaw? Napapitlag ako ng maramdaman ko ang vibration ng phone ko bigla. Mabilis pa sa alas-kuatro na pasimple kong kinuha ang phone sa bulsa, sa pag-aakalang si Eiji iyon. Ngunit hindi.

From: unknown no.

You look so damn gorgeous today babe. Lalo tuloy akong naiinlove sayo.

Demonyong Storm. Buisit talaga siya, bakit ba ayaw niya akong tigilan? Inis akong napabuga ng hangin, sa sobrang asar ko sa taong yan. Malala na talaga ang talipandas na manyak na iyon, kapapalit mo lang ng numero, heto't alam na agad. Letse. Hindi ko lubos maisip paano?! Paano niya nakuha? Nagpalit na ako ng number may goodness!

Halos hatakin ko na ang oras matapos lang ang kaklase, dahil kating-kati na akong makaalis sa upuan ko. At baka kapag di ako nakapagpigil, masinghalan ko na ang manyak na ito na hantarang tumititig sa akin.

Ng hustong tumunog ang bell, ay nagkukumahog akong makaalis sa loob ng room. Nahagip pa ng paningin ko ang mabilis ding pagtayo ni Storm.

Shit!

"Feit! Wait!"

Shit ka Hudson! Pwede ba! Lalo kong binilisan ang paglalakad, at nakipagsiksikan sa kumpol ng mga estudyante. Nababanas ako sa gagong to.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon