SO-8

142K 2.4K 264
                                    


Obsession 8




------------------------------------

C'mon Eiji, text me back!

Lumipas ang ilang minuto. Ngunit wala padin. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin, tinadtad ko na siya ng paliwanag at ng sorry. Sinubukan ko ding abangan siya sa labas ng silid niya, ngunit nilalampasan lang niya ako. For goodness sake! Three days lang kami dito!Oo nga't hinalikan ako ni Storm! But fvck it! I didn't kissed him back! Dapat nga ako ang magalit sa malanding sayawan nilang dalawa ni Lauren, pero hindi.

"Hindi ka parin niya kinakausap?" Alexa asked me habang nakaupo kami sa buhanginan. Abot ng tubig dagat ang mga paa namin at nakakrelax iyon. Umiling ako sa kanya at niyakap ang dalawang binti. Binalik ko ang phone sa maiksing shorts at napabuga ng hangin.

"Pa chiks si Shaw ah?" Natatawang singit ni Kianna at tumabi sa amin.

"I don't like Lauren." Napatingin kaming tatlo ni Kianna at Alexa ng biglang magsalita si Pres.

"Ok naman siya ah?" Nagtatakang sabi ni Alexa at nag indian seat.

"No she's not. There's something mischievous in her eyes." Seryosong sabi ng babae at nilaro ang tubig dagat. "Para siyang may tinatago--"

"God Eiji you're abs are so hot!"

Sabay sabay kaming napalingon sa malanding boses na iyon at sa halakhak nadin. I balled my fist at pinigilang sugurin ang dalawang bisugo na akbay ng lalaking pinoproblema ko. Ako namomoroblema kung paano siya makakausap at paano kami maayos! Tapos siya nakiipg harutan lang sa mga lamang dagat?! At susulyapan lang ako?

"Oh-oh?" I heard Kianna commented.

Halos mabali na ang leeg ko sa pagkakasunod sa kanila hanggang doon sa fruit shake stand at silay naupo.

"Ano pa hinihintay mo girl?" Nakangising kalabit sa akin ni Alexa. "Show those Shrimps kung sino ka."

"Go Feit." Segunda narin ni Pres.

Lumakas ang loob ko at agad na tumayo matapos ipagpag ang shorts. Taas noo akong naglakad patungo sa kanila habang nakataas ang kilay.

"Eiji!" Sinalubong niya ako ng malamig na tingin, at kulang nalang ibato ko ang sandals ko sa kamay niyang nakaakbay padin sa mga lamang dagat.

"You won't talk to me dahil sa mga lamang dagat nayan?" Pigil na sigaw na wika ko ng makalapit sa kanila.

"Excuse me anong lamang dagat?!" Protesta nung mukhang bilasang isda at tinaasan ako ng kilay. Hindi naman ako nagpatalo at inirapan pa sila.

"Don't make a scene here, Feit." he replied. Lalong nag-init ang ulo ko ng ngumisi ang isa niyang lamang dagat. Sarcastically, I chuckled at pinagkrus ang kamay sa dibdib.

"Ako pa ang nagawa ng eksena Shaw?" I rolled my eyes at lumapit sa kaya. dinutdot ko pa ng hintuturo ang braso niya at pinanlisikan siya ng mata. "Anong tawag mo dyan sa ginagawa mo? Hospitality?"

"Who is she ba Babe?" sabi nung mukhang isdang asuhos. Diyos ko! Muntik ko ng maibuhos ang juice na iniinom niya sa kanya mismo. Babe may ass!Sinulyapan ko si Eiji at tinaasan ng kilay. Tell them who am I to you Sha--

"Don't mind her."

Bahagya akong napaatras sa sinabi niya. Daig ko pa ang sinampal ng dalawang lamang dagat niya. Pakiramdam ko nangapal ang mukha ko sa mapang-uyam na tawa ng dalawang bruha niya. Pagak akong tumawa at pinaikot ang mga mata. I clenched my fist, upang doon mabaling ang sakit na nagsisimulang gumuhit sa dibdib ko.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon