SO-31

115K 1.7K 107
                                    

Obsession 31

''What happened to Azula?"

Umayos siya ng pagkakaupo sa kandungan ko at napabuntong hininga. Slightly, she shook her head at pinatong ang kamay sa mga braso kong nakapaikot sa maliit niyang bewang.

"Hindi ko din alam. Basta isang araw right after bumalik siya galing sa Pilipinas, ganyan na. Wala na siyang kilalang Cali. Akala ko nga noong una sa sobrang galit lang niya kay Ate, kaya niya sinasabing hindi niya kilala. Pero hindi."

Nagsalubong ang kilay at pinatong ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. ''You mean?"

"Naalala mo noong nag-outing tayong lahat?"

"Iyong nag truth or dare?"

"Oo, hindi niya naaalala iyon. She doesn't remember anything about Cali. Kahit mga simpleng detalye at mga nangyari noon na kasama niya si Cali, hindi niya naaalala ang mga iyon."

"Baka naman, sinasabi niya lang na di niya naaalala." Imposible namang nabura nalang iyon basta-basta sa isip niya? Pwede pa kung naaksidente din siya. Hindi nga kaya? Hindi mayroong tinatawag na selective amnesia. "Hindi ba naaksidente ang Ate mo?"

Mabilis siyang umiling sa akin. "Hindi. Dahil kung naaksidente siya, imposible namang walang makaalam sa amin ni Kuya."

''Hindi ko alam ang sasabihin ko, ayaw din namang magsalita ni Hidalgo kung ano talagang nangyari sa kanila."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Even her breath became uneasy too. "Feit?

"Pinahiya nila ang kapatid ko sa harap ng maraming tao. Siya, ang Papa niya. At iyong si Gia."

"Ha?" Pinahiya ni Cali? Siraulo talaga! Hindi talaga nag-iisip ang gunggong na iyon. "Paanong pinahiya?"

"Hindi ko alam, basta iyon lang ang narinig ko kay Kuya. Wala na silang sinabi pa sa akin.

Paano ito ngayon? I promised Cali na tatawagan ko siya sa oras na makausap ko si Feit. I'm having a second thought now, lalo na ngayon at kahit kaunti nagkaroon na ng kasagutan sa paghihiwalay nila.

"Anong iniisip mo?"

"Ayokong magsinungaling sa iyo, Sweetheart. But, It's just that...I promised Cali na tatawagan ko siya sa oras na makausap kita."

"At nag-aalangan kana ngayon? Dahil baka magalit si Ate?" Umaayos siya ng upo patagilid sa akin. She encircled her arms on my neck at ngumiti sa akin.

Damn...

How I fvcking love this girl. Ngiti pa lang niya, nagwawala na ang mga insekto sa kalamnan ko.

"Tawagan mo siya." aniya pa sa akin. I sigh and nod my head. "Tawagan mo na."

Napabuntong hininga ulit ako. Hindi na nga pala niya ako nakikita. "Yeah, sweety." Inalalayan ko siya na makaupo sa rocking chair pagkatayo ko. I dialled Cali's number.

Storm! Fvck you! Antagal mong tumawag. Tell me the fvcking address now.

"Do you really want to know where we are Cal?" Parang nagdadalawang isip ako. Ngayon pang nalaman ko na ang kagaguhan ng gagong 'to.

Fvck you! Ofcourse! Sabihin mo na!

I sigh and dictate him the exact address. I already did my part. Bahala na siya kung anong gagawin niya sa oras na magkita sila ni Azula.

Thank you asshole.

"What are you doing here?" Hustong maibaba ko ang phone ng marinig ko ang boses ni Azula sa aking likuran. Napangiwi ako ng makita kong nakataas na naman ang kilay niya.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon