SO-32

113K 1.4K 150
                                    


Obsession-32

-----------------------
LAUREN ERICA-



"Eiji Artemis Shaw... Do you still remember this place? Hindi ako mahilig sa basketball at ayoko sa boys na palaging pawisan at nanlimahid. You once called me maarte, dahil niyakap mo ako na naliligo ka sa pawis mo at diring-diri ako. Dito tayo unang nagkakilala, dito tayo unang nagkita...Dito tayo nagsimula...

Nanikip ang aking dibdib habang pinapanood ang video na nakita ko sa usb. Palagi kong napapansin na hindi ito inaalis ni Eiji sa Dvd player. I got curious, and I found out that it was Korin's birthday gift for him, noong nag twenty one siya.


Sometimes I'm a selfish fake

You're always a true friend

And I don't deserve you

'Cause I'm not there for you

Please forgive me again


"Dito mo ako unang pinakilig noong sabihin mo, na para sa akin ang 3 points shot na itinira mo sa ring..."

Humigpit ang hawak ko sa remote habang nakatitig sa malaking telebisyon. And by just seeing Korin smiling like that, gusto ko ng humagulgol. Hindi ko ginustong masaktan siya, hindi ko ginustong malagay sa peligro ang buhay niya. I just wanted her to see me, gusto ko lang na makita niya ulit ako.

Gusto ko lang na maibalik ang meron kami. Iyon bang ako lagi ang prayoridad niya, yung hindi siya makakatulog ng hindi niya ako niyayakap. Yung tatawag pa siya para ipaalala na kumain ako ng matino. Gusto ko lang ibalik niya sa dati ang lahat.

Iyong wala pang Eiji na umaagaw ng atensiyon niya. Siya lang ang meron ako.

Ang sabi niya, hindi niya ako ipagpapalit. Hindi niya ako iiwan. Kahit kailan, hindi ako mababalewala. Pero bakit ng maging sila ni Eiji naglaho lahat iyon? Bakit ng dumating si Eiji, nakalimutan niya na ako?

''Baka naman kapag kayo na ni Shaw, ma-echepwera na ako niyan Korin ha?"

"Ikaw pa ba? Eh halos magkakapalit na nga tayo ng mukha, sa tinagal-tagal nating magkasama."

"Promise yan ah?"

"Asus! Halika nga dito, alam mo namang lalavs kita. Kaya nga kita anak, kahit mas mukha kapang gurang sa akin eh."

I wanna be there for you,

Someone you can come to

Runs deeper than my bones

I wanna be there for you

I wanna be there for you

Sabi niya, hindi niya ako kakalimutan. Na hindi ako mababalewala. Niyakap ko ang unan at impit na humagulgol.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon