SO-30

117K 1.9K 158
                                    

Obsession 30

Masasapak ko talaga si Eiji, kapag hindi siya dumating dito at pinagtitripan lang niya ako. Halos thirty minutes na akong naghihintay dito, wala padin siya. I check my wrist watch for the third time. Fvckshit!

Naningkit ang aking mga mata at kung wala lang talaga akong kailangan sa kanya, sinalubong ko na siya ng sapak. Diretso siyang naglakad patungo sa akin, na akala mo walang maling ginawa.

''Buti dumating ka pa?" Salubong ko sa kanya.

"Buti nga pinuntahan pa kita." Bumaba ang tingin niya sa mga gamit ko. ''Tara, I brought Kuya's car. ''

"What took you so long?" Ani ko habang sumasakay sa shotgun seat.

"Wala kang pakialam, pasalamat ka nga pinuntahan pa kita. After what you did to her." He started the ignition at nagmaniobra palabas ng parking lot.

"Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko Shaw, if I didn't do that baka lalong masaktan siya. Because you two are already married at this time, yet you still have an extra baggage." Tumingin ako sa labas habang ipinapatong ang isang braso bintanang binuksan ko.

"And I regret every single piece of that shitty sin of mine, Storm. " Nagbuga siya ng hangin ng huminto kami sa intersection. "And I want to thank you for that..."

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang halos bulong na sinabi niya. He want to thank me? For that? Gago ba talaga siya?

"Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Feit ang tungkol sa amin ni Lauren. Gusto ko ng umamin, gusto ko ng magtapat. But Lauren told me na sigiradong hindi maniniwala si Feit sa akin. She would always think na siya ang magsasabi ng totoo. Ano nga lang naman ang relasyon namin, kumpara sa halos limang taon na nilang pagkakaibigan diba?" Matabang siyang pumalatak at muling pinaandar ang kotse.

"Mahal ko siya."

"Alam ko." He cocked his on my direction at malungkot na ngumiti. ''At alam ko rin, na wala na akong karapatan na pagbawalan kang lumapit pa sa kanya. Because unfortunately, hindi na kami at hindi na magiging kami pa ulit." Kinagat niya ang ibabang labi at napabuga ng hangin. "I lost her the same time I fell madly inlove with her."

Pinahid niya agad ang luhang tumulo at huminga ng malalim. Saka ko pa napansin na huminto na kami sa harap ng isang building.

"She's staying here?"

"Yep. Tita Avery owned this tower. Dito rin ako tumutuloy, you can stay here if you want too."

Tumango ako at hinatak na ang maleta papasok. Eiji walk towards the receptionist at agad akong ikinuha ng kwarto. Inabot niya sa akin ang key card, sabay kaming naglakad papuntang elevator at siya narin ang nagpindot ng floor number ng magiging kwarto ko.

"Kamusta na nga pala siya?"

"Why don't you see it yourself?" Nagsalamin siya sa metal door while flexing his neck. Asar talaga. ''Since I did you a favor, you have to do me a favor in return. How 'bout that?"

Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay. Bakit ba ang dami niyang satsat? Ayaw nalang niya akong dalhin sa eksaktong tinitirhan ni Feit? Daming pasikot-sikot! Sarap bigwasan! C'mon I m fvcking dying to see her! Kanina pa ako ninenerbyos kapag nagkita na kami. Damn! Magagalit ba siya? Papalayasin niya kaya ako?

Huminto ang elevator at nauna siyang lumabas.

Huminto ang elevator at nauna siyang lumabas. We stopped infront of my assigned room's door, and I swiped my keycard. Dumire-diretso siya sa loob at pabagsak na umupo sa sofabed.

Seriously? Nakuha niya pang umupo at magpahinga?! Samantalang ako...

Samantalang ako...

"Chill, Hudson. I'm telling you, mas mainam na sumagap kana muna ng hangin at ipunin sa baga mo, bago tayo dumiretso sa suite nina Feit."

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon