SO-36

112K 1.5K 55
                                    


Obsession 36




Ninenerbiyos ako tangina!


Pinahiran ko ang noo kong pinamumutilan ng pawis kahit na malamig ang kinatatayuan ko dahil sa simoy ng hangin. Humugot ako ng malalim na hininga baka sakaling makalma na ako.


Pero pucha!


Mas lalo lang akong ninerbiyos eh!


Chill lang Storm. Hindi porque gwapo ka at may killer smile ka, hindi ka na ninerbiyusin. Natural lang sa pogi ang kabahan okay? Huminga ulit ako ng malalim. Kinapa ko ang maliit na box na kanina pa nasa bulsa ko. Pinagpapawisan na nga ang kamay ko eh. Ang tagal naman kasi ilabas nina Kianna si Korin. Baka inayusan pa, anak ng tinapa! Mag po-propose palang ako! Hindi pa ito yung mismong kasalan.


"Hoy!---"


''Ay putangina!"


"Haha! Ang gago, kabado!"


Sinamaan ko ng tingin si Sven at sinapok agad, buisit! Kinakabahan na nga, dinadagdagan pa! "Ano bang ginagawa mo dito? Doon ka nga! Bantayan mo si Alexa, baka mamaya pormahan ng isa sa pinsan ko iyon. Manapak ka."


''Tsss...Pake ko? Edi landiin niya. I don't fvcking care."


Ngumisi ako at tuluyan ng hinarap si Sven. Agad na umilap ang mata niya at nag-igting kanyang bagang. Pake mo pala huh? "So papayag kang maligawan siya ha? Pwede ko siyang ipakilala sa mga pinsan ko ha?"


"Edi pakilala mo!" Kumuyom ang palad niya at sinipa-sipa ang maliliit na bato sa lagoon namin.


"Type siya nung pinsan kong si Denzel eh. Pupunta pa naman ngayon yon dito. So, no hard feelings ha?"


"Tangina mo! Kahit ipakasal mo pa, pakialam ko!" Mabibigat ang hakbang na tinalikuran niya ako at halos maihi naman ako kakatawa. Selos na selos na ang gago,ayaw pa umamin. "Papuntahin mo at babasagin ko mukha sa harap niyo."


Humagalpak ako ng tawa at umiling-iling.


"Sinong babasagan mo ng mukha Sven?" tanong sa kanya ng papalapit na si Stella.


"Wala! Letse."


"Problema nun?" aniya sa akin pagkalapit niya. Nagkibit balikat lamang ako. "You ready Kuya?"


"Kinakabahan ako. Nasaan na ba si Feit? Palabas na ba siya?"


"Ahuh. Papalabas na iyon. Kasama ni Kianna at Lauren."
Nginisihan ako ng kapatid ko at nilampasan. Tinapik niya pa ako sa balikat. Akala mo siya ang matanda eh. Pumwesto na siya doon sa piano, since siya ang nakatokang tumugtog.


Maya-maya pa ay natanaw ko na si Alexa at papunta na rin sa pwesto namin, siya naman ang tinoka kong kumanta dahil maganda naman talaga ang boses niya.


"Kabado si Storm~" Pakanta niyang asar sa akin. Ngumiti lang ako at inayos ng itim kong polo. Kinakabahan na naman ako buisit nayan! Kung bakit ba naman kasi dito pinag Medya Noche nina Daddy ang mga pinsan ko. Ngayon pa na balak kong mag propose sa mismong bisperas ng Kapaskuhan.


Pinagkiskis ko ang mga palad at kinalma ulit ang sarili. Chineck ko ang wristwatch ko, and it's ten pm.

Two more hours...



--------------------------------------



KORIN FEIT


"Bakit mo ba ako inaayusan Kianna?" Kinapa ko ang buhok kong inayos niya, sayang lang hindi ko man lang makita ang hitsura ng braid na ginawa niya. Wala akong makita kundi kadiliman. Pero nasanay narin ako. Hindi kagaya noong unang beses na nalaman kong bulag na ako.


Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon