SO 19

132K 1.6K 62
                                    

Obsession-19


Finally, It's Eiji's 21st birthday today.

Inayos ko ang ilang hibla ng kulot kong buhok. At tumingin sa salamin. Ngayon ipapaalam ni Eiji ang balak namin. Kinakabahan ako sa totoo lang. Paano kung tumutol sina Tito at Tita? Malalim kong nahigit ang hininga at inayos ang inipon kong buhok sa iisang gilid.

Kinakabahan talaga ako.

Idagdag mo pa na paniguradong naroon ang buisit na Storm na iyon.

Breathe in then breathe out Korin.

Sinuot ko na ang itim kong sandals na pinares ko sa aking kulay pulang damit. I should be pretty. After all I am Eiji Artemis Shaw's girlfriend, and her soon to be fiancee. Ng makuntento na ako sa ayos ko ay bumaba na ako sa sala at kinuha ang aking purse.

Alam ko may tampo padin siya sa akin, but I have to make sure na magiging memorable ang regalo ko. Chineck ko ang usb sa aking purse at napangiti ako ng makita iyon. Nakadikit doon ang pangalan niya, at sa ilalim ay ang date ng kanyang birthday.  Dumiretso agad ako sa parking lot at pinatunog ang eclipse na pahirapan ko pang hiniram kay Kuya. Buisit yun eh! College na ako, yet he's restricting me to drive alone. Pinatong ko lamang ang purse sa driver's seat at agad na inistart ang makina.

Habang nasa daan iniisip ko kung anong gagawin ko sa oras na tumutol sina Tita. Kinakabahan talaga ako. What if hindi nila ako matanggap, I mean hindi muna nila aprubahan dahil nga bata pa kami. Paano kung umalis si Eiji papuntang ibang Bansa, ng wala akong pinanghahawakang hindi kami maghihiwalay?

May tiwala naman ako sa kanya.

Pero iba kasi talaga kapag LDR na.


------------------------
Marami ng tao ng makarating ako sa Mansion nila. Tingin ko palang ay mga hindi sila mga pipitsuging kakilala lang nina Eiji. Probably, mga business partners ni Tito Eisen. Ng maiparada ko ng maayos ang sasakyan ko ay inayos kong muli ang sarili bago ako bumaba. Sinalubong agad ako ng napakaliliwanag na ilaw at musika mula sa loob ng kabahayan.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong iginala ang paningin. Naroon sina Cali, Trek at Sven. Wala yata si Storm. Sana nga eh, sana talaga wag na siya lumitaw ngayong gabi at habang buhay na siyang maglaho.

"Korin?"

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Kianna na todo ngisi at may hawak na wine glass.

"Kianna..."

"Jeez! Atlast I don't feel op anymore!" Tinungga niya ang baso at binigay iyon sa waiter na dumaan.

''O.p kapa sa lagay nayan ah Kianna?"

"Alexa!" Hindi ko alam na andito din siya. She smiled at me saka ako hinalikan sa pisngi.

"O.p naman talaga ako ah? Bakit nasan ba ang magaling na Shrek na yon?" Iginala niya ang tingin at tinuro si Trek. "Ayun oh! Naglulumandi na naman!"

"Kung op ka sa lagay nayan, eh paano pa yon?" Nginuso ni Alexa ang direksiyon sa fountain kayat napatingin ako roon. There's a girl and she's just looking at the sky. Mahaba ang kulutan niyang buhok, halos sumayad na nga sa stone bench na kinauupuan niya, dahil sa pagkakatingala niya.

"hindi mo nakilala no?" ngisi ni Kianna.

"Si Azula yan."

Namilog ang mga mata ko at binalik ulit ang tingin sa babae. Are they kidding me? Si Pres. Azula, na laging naka braid ang buhok? Naka eyeglasses? Na bibihira mong makitang ngumiti? At humawak ng salamin at suklay?

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon