SO-46

101K 1.4K 97
                                    


Obsession 46

-------------------------

Hindi ko na tinapos po ang panonood. Nagpahatid na agad ako kay Mei sa bahay. Paano pa ako mag-eenjoy sa pakikinig sa magandang boses ni Alexa, kung paulit-ulit na umaalingaw-ngaw sa isip ko ang boses ni Storm. At ang boses ni La--ng babaeng iyon. Ni hindi ko magawang bigkasin ang pangalan niya. Hindi ko akalain na sa ikalawang pagkakataon ay ipagkakanulo niya ako.

Para lang akong bumulong ng kapatawaran sa hangin.

Mabuti nalang at nakapangako si Mei sa bunso nila na magii-skype sila ngayong gabi.

Patang-pata ang aking katawan ng mahiga ako sa kama ko. Pinasadahan ko ng palad ang nakalugay kong buhok.

Tapos na kami.

Kung gaano kabilis na nahulog ako at umikot ang mundo ko sa kanya. Ganoon din kabilis naglaho ang lahat at nawala ng parang bula. Hindi siya maghihintay, para saan pa kung pakakasalan na niya yung babaeng totoo niyang mahal.

Ang daya lang. Ang sakit lang, at ang kumplikado lang.

Ninakaw niya ako sa iba at ako si tanga nahulog agad sa kanya. Ni hindi ko man lang naisip na hindi niya ako kayang saluhin ng buong buo, gaya ng pagkahulog ko sa kanya ng sobra pa sa husto. At yung taong kaya namang ibigay sa akin ang puso at pagkatao niya ng buong-buo, may bigkis namang nag-uuganay sa babaeng mahal ng taong mahal ko.

Someday you're gonna realize

One day you'll see this through my eyes.

By then I won't even be there

I'll be happy somewhere

Even if I cared...

Kahit anong suma ang gawin ko. Iisang resulta lang ang makukuha ko. Maiiwan at maiiwan ako. Dahil may bigkis na nag-uugnay sa kanilang tatlo.

Pinahid ko ang luha at nagbuga ng hangin. Alam ko namang kaya ko ito eh. Alam kong kaya kong makalimot. Na kaya kong mabuhay ng tatlong taon na wala sila sa buhay ko, ano nalang iyong mga susunod pa. Pero paano sisimulan? Saan ko sisimulan?

Maybe he's not really the right one for me. Masyado akong nagtiwala, na dahil inamin niyang obsess siya sa akin. Hindi niya ako kayang iwan. Hindi niya kayang mawala ako sa kanya.

Ngayon ko napatunayan, na hindi porke obsess sa iyo ang isang tao. Ibig sabihin na non ay baliw siya sa pagmamahal sa iyo. He wasn't inlove with me, he was obsessed by me physically. At dahil tapos na ang obsesyon niyang iyon.

Tapos narin ang yugto ng buhay ko sa buhay niya.

I know you don't really see my worth

You think you're the last guy on Earth

Well I've got news for you.

I know that I'm not that strong,

But It won't take long, won't take long...

Niyakap ko ang unan at sinubsob doon ang kalahati ng aking mukha. Ang tanong lang, may kaya pa kayang tumanggap sa akin? Dalawang lalaki ang nagdaan sa buhay ko. At pareho silang pinag-alayan ko ng sarili ko ng buong-buo. Ng lahat lahat ko. Sino pang matinong lalaki, at malulunok na mahalin ako. Kahit na ilang beses na akong naangkin ng mga lalaking dumaan sa buhay ko.

Sabi nila, kung mahal mo ibigay mo lahat. Mali sila, hindi dahil mahal mo ibibigay mo lahat. Magtira ka para sa sarili mo, magtira ka para sa kinabukasan mo. Dahil wala kang ibang magiging karamay sa oras na maiwan ka, kundi ang sarili mo. Wala kang ibang makakatulong na bumangon, kundi ang sarili mo. Sarili mo ang una mong kakampi sa mapaglarong mundong ginagalawan mo.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon