SO-29

121K 1.5K 102
                                    

Obsession 29

"Anong kapalit ng impormasyong iyan Dad?" I know how clever he is. Hindi siya magbibigay ng isang bagay ng walang kapalit. Narinig ko ang mahinang tawa nya sa kabilang linya. Tama ako meron nga. Ngunit umawang ang bibig ko ng marinig ang kapalit na gusto niya. He didn't wait me to said Yes. Nawala na agad siya matapos magpaalam.

She's in San Francisco. Ang alam ko, naroon din ngayon si Eiji. Nagkita na kaya sila? For the past three years, wala na kaming naging imikan ni Eiji. Wala na akong balita sa kanya. Kay Cali ko lang nabalitaan ng makita niya akong nag jajogging sa circle. He punched me straight into my face at sininghalan ako. Sininghalan ako for not talking to them, hindi ko alam na naroon din pala sina Trek at Sven.

Eventually, nagkaayos kami habang sinasapak at iniipit nila ang leeg ko. Sa mga pawis na kili-kili nila. Kadiri ampota.

"Kuya, nasa labas sina Sven."

Pinagpag ko ang basang buhok at kumuha ng walking shorts. Naabutan ko ang tatlong gago na nagpapatayan sa pandesal na binili nila sa bakery sa tapat namin. Palibhasa maganda yung tindera. Hindi naman totally maganda, pwede na. May ibubuga ang katawan eh.

Sabi ni Sven yan hindi ako.

"Tang ina Pare sabi ko kasi sa iyo, gawin mo ng fifty pesos para matagal ang iyuyuko eh!" Mabilis na umigkas ang kamao ni Trek kay Sven at tinuktukan ito.

"Napakamanyak mo gago.''

"Wow, nagsalita ang hindi ah? Eh mas malala ka naman sa akin. Kung di kalang napaamo ni Kianna."

Humagalpak ng tawa si Cali at nakipag high five kay Sven. Umigkas ulit ang kamao ni Trek, ngunit umilag si Cali. At dahil papadaan ako sa likod niya ay tumama iyon sa akin.

"Aray ko! Tang ina niyo ang haharot niyo!" Dumampot ako ng isang pandesal at binato sa kanya. ''Anong ginagawa niyo dito?"

"Bakit bawal na bang dumalaw sa kuweba mo Hudson?"

"Ulol!"

Dumiretso ako sa cupboard at kumuha ng mug, nagtimpla ng kape at naupo sa isa sa mga upuan. Napaatas ang aking kilay ng mapansing nakatitig silang tatlo sa akin. "What?"

"Napaka hospitable mo bro! Talagang ikaw lang ang nagtimpla ng kape mo ah?"

"Says who? Eh sa kapal ng mga mukha niyo? Alam niyo kung saan nakalagay ultimo pinakatatagong alikabok ng bahay ko.''

Umilag ako sa binatong tinapay ulit ni Trek. Umiling nalang si Cali at kumuha ng tasa sa lalagyan, nagkanya-kanyang timpla iyong tatlo at nagsiupuan na.

"May balita ka na kay Feit?" Si Sven ang unang nagtanong.

"Yeah..."

Lumipad ang tingin namin kay Cali ng bigla niyang maibagsak ang baso sa mesa. Hawak niya ang cellphone at tigagal na nakatitig doon.

"Buisit ka! Babasagin mo ba yung mesa? Kita mong babasagin!" Binatukan ito ni Trek, ngunit di man lang umimik ang gago. Tumayo si Sven at naglakad papunta sa likod ni Cali. Pati si Trek ay napasunod din. Bumilog ang mga labi nila at kumurap ng ilang beses.

"Is that?..."

"Quinn..." usal ni Cali. Napatayo narin ako at hinawi yung dalawang ungas sa likod niya.

Yeah. It was Quinn Azula.

Mukhang nasa isang cafe ito. Nakalingon ito sa likuran dahil naroon marahil ang may hawak ng camera. Seems like a stolen shot dahil, bahagyang nakaawang ang bibig nito.

Mahaba na ang buhok niya...Kung mahaba na ang buhok niya, it means...

Latest ito, dahil ang huling alaala ko hanggang lampas balikat na lamang ang buhok niya.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon