SO-41

87K 1.4K 113
                                    


Obsession 41

Few more hours at sasalubungin na namin ang Bagong Taon. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kasiyahan sa kabila ng kawalan ko ng paningin. Kumpleto kaming lahat. Sa Mansion kami ng mga Shaw mag babagong taon, dahil si Stell at Storm lang naman ang kasama ko sa kanilang bahay. Bumalik na sa ibang bansa ang Daddy nila.

"Why the hell I'm in here in the first place?"

Napahagikgik ako ng marinig ang boses ng kapatid ko. Up until now, hindi niya kilala si Cali. And that makes Hidalgo always fumed in anger. Idagdag mo pa na palaging nag-ooverseas call ang kapatid ko kay Zayn.

"You're here because I'm here." Papilosopong sagot ni Cali sa kanya. Natawa narin ang katabi kong si Storm.

"Oh! Shut up! Dami mong alam, di ka pa mamatay."

"Oh please, my Queen. Girls will mourn kapag namatay ako, mababawasan pa ng gwapo sa mundo. Sayang lahi ko no! Tapos di pa kita nalalahian."

Humagalpak ng tawa ang katabi ko, agad ko siyang kinurot at pinatigil. Kung nakikita ko pa si Ate, panigurado naniningkit na ang mga mata niya.

"Tigilan mo ako Hidalgo, hindi ako palahiang aso. At kahit maging aso man ako, hindi ako papalahi sa iyo."

"At bakit naman?"

Humagikgik na naman si Storm.

''Dahil isa kang askal, at imported naman ako. Kaya manahimik kanang bwisit ka.''

Napailing nalang ako. Kailan kaya ako makakakita? Gusto ko na silang makitang tumatawa, nanlalaki o naniningkit  ang mga mata. Haaay....Napabuntong hininga ako.

"Sweetheart?"

Bahagya kong kiniling ang ulo sa direksyon ni Storm. Nanahimik ang paligid bigla. At ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin.


"I'm fine. Bakit kayo natigilan?" Pilit kong binalik sa normal ang boses. Hinawakan ko din ang kamay niya.

"Mama!" May maliliit na kamay ang biglang yumakap sa aking bewang. Sigurado akong si Erion ito. Pero bakit tinatawag niya akong Mama?

''Hey Buddy why are you calling your Tita Feit, Mama?" Naramdaman kong nawala si Erion sa aking harap at gumalaw si Storm sa gilid ko. Kinandong niya marahil iyong bata.

"Mommy told me. Sabi niya, I can call her Mama daw. Para may Mommy na ako, may Mama pa ako!"

Napasinghap ako sa sinagot ng bata, si Lauren talaga. Akala mo ibinibilin sa akin ang anak niya.

"Feit."

Kiniling ko ang ulo sa direksiyon ng boses ni Eiji. "Ji?"
Nagbuntong hininga siya. Tuluyan na akong umayos ng upo. "May problema ba?"

"Kinakabahan ako eh." Nagsalubong kilay ko. Bakit naman siya kinakabahan? "I'm planning to ask your bestfriend to marry me, pagsapit ng bagong taon. Paano kung hindi siya pumayag?"

Napasinghap ako sa narinig. He's planning to ask Lauren? Magpo-propose na siya OMG! Hindi ko napigilang mangisi. "Papayag siya, maniwala ka."

"How can you be so sure?"

"My bestfriend loves you, kahit hindi ako nakikita. Nararamdaman ko na mahal ka niya."

Muli siyang napabuga ng hangin. Akala ko noong una, sa oras na muli kaming magkita ni Eiji pagkatapos ng lahat sa nakaraan, ay hindi namin magagawang mag-usap na para bang wala lang lahat. Ngunit mali ako, dahil eto kami at nanatiling malapit sa isa't isa.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon