SO-40

92.2K 1.4K 70
                                    

Obsession 40

LAUREN ERICKA-


Ilang araw na mula ng magkita kami ni Mama, hanggang ngayon balot parin ng takot ang buong sistema ko. At hanggang ngayon, kinakatok padin ako ng konsensiya ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi padin alam ng mga Hudson kung sino ang nagpapatay sa Mommy ni Storm. I mean...


Mayaman sila. Kayang kaya nilang magbayad kahit gaano pa kamahal, mahanap lang ang salarin. Pero bakit hindi padin nila mahuli iyon. At nasa paligid padin. Malaya at normal na namumuhay.


Hindi ako natatakot para sa akin, o para kay Eiji. O sa totoo lang para kay Feit. Natatakot ako para kay Erion. Hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan kay Mama.

"Lau?"


Lumipad ang tingin ko sa bumukas na pinto. Pumasok roon si Eiji. Naupo siya sa tabi ko at sinilip ang aking mukha.


''Are you still thinking about your Mother?"


Kahit magsinungaling ako, alam ko na hindi siya maniniwala. Narinig niya na iyong voicemail eh, nakiusap lang ako sa kanya na kung pwede ako na ang magsasabi kay Storm. Pero hindi ko alam kung paano. Sabi niya, pinaiimbestigahan na ng Daddy nito ang nangyari sa asawa at anak nito.


Kaya alam ko, sa malaon at sa hindi malalaman din nila na si Mama ang nagpapatay sa Mommy at Ate ni Storm.


"Nag-aalala ako kay Erion, Ji."


"Aysus..." Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. "Sa tingin mo ba papayag ako na mapahamak ang anak natin?"


"Pero kapag hindi ko sinunod si Mama baka saktan niya talaga si Erion. Kilala ko ang Nanay ko Eiji, tototohanin niya iyon."


"So susundin mo siya?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Guguluhin mo sina Storm at Korin, ganon ba?"


Kinagat ko ang labi at pinigil ang luha. Ayoko ng saktan si Feit. Pero natatakot naman ako para sa anak ko.


"May tiwala kaba sa akin Lau?"


Napatitig ako sa kanya at parang wala sa sariling tumango. Hindi naman niya pababayaan ang anak namin di ba?


"Leave it to me. Poprotektahan ko kayo. Si Erion, si Feit, ikaw. Lahat kayong importante sa akin. Magtiwala ka lang."

Napabuga na lamang ako ng hangin at sumandig sa balikat niya. Naramdaman kong dinampian niya ng halik ang ulo ko, at sa ginawa niyang iyon...


Kahit papaano, nabawasan ang pag-aalala ko para sa kaligtasan naming lahat.Sabay kaming napapitlag ng tumunog ang cellphone niya. Lumayo siya sa akin at sinagot iyon.


"Storm?"


Siguro magkasama na naman ang dalawang iyon. Ang alam ko, sa Mansion ng mga Hudson magsecelebrate ng Bagong Taon si Feit. Bumalik na kasi sa Canada ang Daddy nya at ang Step-Mother niya. At si Azula, si Azula na hanggang ngayon, kahit sulyap lang niya ay napakatatalim na. 


Likas akong palaban at hindi papaapak, pero ewan ko ba. Humalumipkip palang siya, nauumid na ang dila ko.


"Don't lose hope Storm. Makakahanap pa naman tayo ulit ng eye donor niya. Yeah, I know...Kahit naman ako, nag-aalala don. But we can't give up now. Ikakasal na kayong dalawa, mas lalo tayong dapat magpursige para makakita siya."


Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon