SO-33

118K 1.8K 124
                                    

Obsession-33

''Kuya Eiji is coming home with Ate Korin? Totoo Mommy, totoo?''

Natigil ako sa tangkang pagpasok sa kusina, oras na kasi para sa vitamins ni Erion. Kalong siya ni Tita Athena, at kukunin ko sana. Halatang halata sa boses ni Sachi ang kasiyahan. Simula noon hanggang ngayon, hindi ko parin magawang makuha ang loob ng bunso ng mga Shaw. Kahit si Erion ay kausapin-dili nya. Ngunit hindi naman yung tipong pinagmamalditahan niya. Siguro kapag wala lang ako, saka niya nilalaro at hinaharot ang bata. Inuuwian niya pa nga ng pasalubong ito, tuwing uuwi na siya galing sa School.

"Oo nga. Kulit ah? He's coming home with your Ate."

''Girlfriend na ba ulit ni Kuya si Ate, Mommy?"

Kinagat ko ang ibabang labi at pilit kinalma ang sunod-sunod na paglagabog ng aking dibdib. Sila na ba ulit? Hindi ba nagtagumpay si Storm, na mabawi si Korin? Tinanggap ba ni Feit ulit si Eiji? Pero paano ang anak ko? Paano si Erion? Iiwan niya ba kami? Magsasama ba sila ni Feit, at susustentuhan na lamang kami? Ganun ba?

"Sachiko, may baby na ang Kuya Eiji mo. Imposible nayung dati..." Si Tito Eisen na ang sumagot sa bunso nila.

"So what? Iyong classmate ko nga, may baby sa ibang girl ang Tito niya. Pero hindi yung Mommy ng baby niya, ang  girlfriend niya."

Huminga ako ng malalim, bago tuluyang pumasok sa dining area. Patay malisya akong naglakad patungo sa kanila.

"Hija nandiyan kana pala. Kumain ka na.'' Si Tito Eisen ang unang nakahuma. Sinulyapan ko si Sachi. Blanko ang kanyang mukha, tipid namang ngumiti sa akin si Tita Athena. I can still feel, na hindi parin buo ang pagsangayon niya sa pagtira ko dito.

"Mamaya na po ako, papainumin ko po muna ng vitamins si Erion." Inabot sa akin ni Tita si Erion at humarap na ulit sa pagkain.

"Would it be nice, kung dito muna mag stay si Ate, Mommy?" Nahigit ko ang hininga sa sinabi ni Sachi. She really hates me.

"Sachiko, it's up to your Ate Korin of she wants to stay here. Hindi tayo ang magdedesisyon niyan."

Nag-iwas na ako ng tingin at pilit na ngumiti kay Erion. ''Let's go Baby? Time to drink your vitamins."

"That's not right Everette." Tito Eisen murmured.

"So what? I hate her."

Binilisan ko ang paglabas ng dining area at pinakawalan ang kanina ko pa tinitimping luha. Napapiksi ako ng kumulong ang dalawang maliliit na palad ni Erion sa magkabilang pisngi ko.

"Mama, you crying?"

My little Erion...

"No baby. Napuwing si Mama eh. Halika na? ''Let's drink your vitamins na." Tumango siya sa akin at yumakap sa aking leeg. I put him on the bed ng makapasok kami sa room niya. Prente siyang nag-indian seat doon at inantay ang kutsara ng vitamins na ipapainom ko sa kanya. 

After taking it inabot niya ang bote ng tubig mula sa akin at tinungga iyon. "Mama, who is Tita Korin?"

Natigilan ako sa kanyang inosenteng tanong. Did they tell Erion, about Korin?

"Tita Sachi, told me that Daddy will going home soon with Ninong Storm and Tita Korin."

"Ah...She's an old friend of us. " Yeah...Old friend, because I'm pretty sure. I'm not a friend for her anymore, not even an acquaintance. "Me and your Dad."

Erion smiled at me. Wala sa sariling nayakap ko siya. Anak, seriously...I don't know if could be able to face her or just take glance at her.

------------------------------

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon