Datum 1 : Confusion

4.7K 197 93
                                        

HANNESWORTH MILITARY HOSPITAL, CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY

13:09H (01:09 pm)

Stella's Point Of View

Damang dama ko ang kakaibang lamig na dumaloy saaking mga kamay at paa nang tuluyan na akong makarating sa tarangkahan ng isang silid na may metallic door.

Narinig ko ang mga papalayong pagyapak ng iilang mga sundalong bantay na panandaliang nilisan ang kanilang pwesto sa pagbabantay ng pinto.

Dahan dahan kong iniangat ang aking ulo upang pagmasdan ang nasabing pinto sa tabi ng tahimik na hallway ng ospital kung saan kami dinala matapos ang retrieval operations sa isang isla.

Hindi ko alintana ang lamig na bumabalot saaking pangangatawan dala ng aking suot suot na basang puting dress at ang mga mapipinong buhangin na kumapit ng tuluyan saaking mga binti matapos siyang pilit na manlaban upang makawala saakin.

Pinagmasdan ko ang aking mga sugat sugat na mga palad. Hindi ko na nararamdaman ang kirot na dala nito saakin matapos kong muling maramdaman ang init ng kanyang mukha. Sigurado akong buhay siya sa mga oras na iyon.

Lahat ng pangyayaring iyon. Lahat ng iyon. Hindi isang panaginip.. Hindi isang guni guni. Ang kanyang mukha. Ang kanyang buhok. Ang lahat sa kanya. Hindi isang ilusyon.

Hindi ako maaring magkamali..

Stella's Flashback 2 hours ago..

Tanging ang pagsalpok ng kalmadong alon ang naririnig sa palgid ng isang dalampasigan habang tulala kong pinagmasdan ang isang bukas at wasak na unit na nakasalampag sa buhanginan.

Naramdaman ko ang kusang pagbagal ng mga sandali nang tuluyan kong matanto ang pagkakakilanlan ng isang pamilyar na lalakeng walang malay na nakahandusay sa loob ng cockpit.

Nanlaki ang aking mga mata as I gazed upon his blonde wavy hair with a string of neon blue on the side. Naroon parin ang maliit na nunal sa may tabi ng kanyang matang nakapikit.

Lubos na kumuha saaking atensyon isang mahabang peklat na naburda sakanyang mukha.

Hindi ako maaring magkamali.. Hindi ito isang panaginip..

"Va..Vaughn?"

I said with my trembling voice as tears finally clouded my eyes upon my realization. Nasa mismong harapan ko ang nawawalang bahagi ng aking buhay.

Dali dali kong itinali ang sling ang aking hand gun saaking binti at hindi na nagdalawang isip pa na hawakan ang basag na mirror protector ng kanyang cockpit.

"Vaughn!! Vaughn! what the hell! gising!!" muli kong pagtawag as adrenaline rushed through my veins making me capable of lifting the said broken mirror protector.

I desperately shouted his name as  I endure the pain of the broken glass slashing through my palms.

Drops of red blood fell on his cockpit as I successfully opened the hatch. Agad kong hinaplos ang kanyang mga pisngi at halos hindi ko na nagawa pang mapigilan ang aking sarili nang muli kong marmadaman ang kanyang mainit na pangagatawan.

Mixed emotions rushed through me as I finally held him again in my arms. He's alive! he's definitely alive!!!

"Vaughn! gising! please open your eyes!" I said but no response was given. Agad kong pinakiramdaman ang kanyang pulso . He's still alive, kaya dali dali kong sinubukang buksan muli ang kanyang unit, but it was no use.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now