Datum 5 : The Image

2.6K 151 80
                                        


A Young Man's Point Of View

Gamit ang aking natitirang buong lakas ay maingat kong inilapag ang walang malay na babaeng nakasuot ng puting night gown sa malamig na dalampasigan.

Wala paring tigil ang malakas na buhos ng ulan sa maitim na kalangitan at ang rumaragasang alon na humahampas saaming mga paa.

Hindi ko mawari kung ano ang pumasok sa kanyang kokote at naisipan niyang talunin ang halos iilang metrong taas na bangin patungo sa napakalalim at galit na dagat.

Ang we- weird na talaga ng mga tao ngayon.

Pilit kong inakay ang kanyang ulo saaking basang mga bisig. Hindi ko alintana ang dalang lamig ng aking mga basang damit.

"Miss! Miss! Gising!!" sabay tapik sa kanyang malamig at maputlang mga pisngi, ngunit walang ni isang response mula sakanya.

Minadali ko siyang ihiga sa buhangin at agad na inilapat ang aking tainga sakanyang dibdib. Masagwa mang tignan, ngunit it left me no other choice.

Nabunutan ako ng isang malaking tinik nang marinig ko ang tibok ng kanyang puso. Thank goodness she's still breathing at nawalan lang ng malay.

Agad kong kinapa ang aking bulsa and to my dismay na realize kong pinasukan na pala ng tubig alat ang aking crystal tab.

Damn it! Purduy na nga ako, nawalan pa ako ng gadget!! Kainis naman. Pagbabayarin ko nalang tong babaeng to sa nasira kong tab.

Napatayo ako saaking kinalalagyan as I stare at her. I don't have other choice. Hindi ko naman siya maaring iwan dito.

Napapikit nalang ako at maingat siyang binuhat. I carefully rest her head on my chest as I carry her along. Dapat na ako magmadali kundi baka magka sipon pa ang isang ito.

I immediately started to walk as I carry her. Damn it. Kung kailan nagmamadali saka pa nangyari ang bagay na ito. How on earth will I contact Ielvy? Bahala na!

Agad akong napatigil saaking paglalakad nang makarinig ako ng mga tunog ng mabilis na pagtakbo mula saaking likuran. 

"Ivann!!! Ivann!!" Sigaw ng isang pamilyar na babaeng dahilan upang ako'y mapalingon.

Hindi nga ako nagkamali. What a great relief!! Agad akong nabunutan ng tinik nang makita ng aking mga mata ang aking kasamang nagmamadaling tumatakbo patungo saakin.

Halos hindi nayupi ang kanyang suot na formal black dress. Bilib na ako sa babaeng to. Agad ko siyang hinarap na lubos niyang ikinagulat.

"What the h--" gulat nyang salubong sakin nang madatnan niya ang aking buhat-buhat. She then started to look mad at me.

"Gago ka! anong ginawa mo sa kawawang babaeng yan?! bitiwan mo siya!!" takot niyang sigaw na nagpakunot ng aking mga kilay.

"Hoy! grabe ha!! magnanakaw nga ako pero hindi ako rapist!" galit na tugon sakanya. "Kahit kailan, assumera ka parin Ievly!" dagdag ko. 

"Muntik nang magpakamatay ang isang to.." seryoso kong sambit. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nag aalalang hinaplos ang noo at buhok ng walang malay na dalaga saaking mga bisig. 

"Siya ba ang dahilan bakit hindi na kita nagawa pang mai- contact, Ivann?" mahinahong tanong niya. Napapikit ako at dahang dahang tumango.

"Its the first time na may iniligtas kang buhay." She said as I snatch my attention away from her and began to walk.

"Isa kapa! Bakit ba ang tagal tagal mong dumating?" I asked with my annoyed tone. Agad siyang sumunod saaking likuran at agad na hinawakan ang kamay ng babae.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now