Datum 8 : Bitter Medicine

2.2K 119 91
                                        

Ielvy's Point Of View

"Mabilis lang to, kaya wag kang masyadong malikot!"

Daing ng isang makapal na boses ang narinig mula saaking likuran.

Napuno nang takot ang bawat sulok ng aking maliit katawan nang masagi ng aking mga nanlalaking mga mata ang isang napakahabang karayom ng isang steel syringe na hawak hawak ng isang lalaking balot ng green surgical gown.

Dinig na dinig ko ang mabilis na pagpintig ng aking puso nang tuluyang maghalo ang kaba at takot saaking dibdib. 

Gustuhin ko mang tumakbo para saaking buhay ay hindi ko na nagawa pa pagkat ramdam na ramdam ko ang iilang mga makakapal na surgical stabilizing straps na gumagapos saaking katawang pilit na ipinosisyon ng patagilid.

"Kaunting samples lang ang kailangan natin. Make it quick, I don't want her to bleed to death. Tandaan nyo, siya na lamang ang natitirang living spare natin."  

Isang tinig ng nag-aalalang babae ang napantig saaking mga taingang kanina pang nabibingi sa tunog ng mga malalakas na beeps galing sa cardiac at monitoring machines.  

Hindi tagal ay naramdaman ko ang mabigat at masakit na pagbaon ng malamig na karayom saaking likod, gusto kong sumigaw sa sakit ngunit tanging pag iyak nalang ang aking nagawa.

Unti unti nang bumigat ang aking pakiramdam. Sumunod ang aking pangagatawan na ayaw nang gumalaw dahil sa mabilis na epekto ng anesthesiang gumapang saaking mga ugat.

Pilit kong binuksan ang aking mga mabibigat mata, nasagi ng aking paningin ang isang pamilyar na batang lalaking nakahiga sa kabilang strecher sa loob ng kinalalagyan namin Operating Room.

Mauulit nanaman.. Pero sabi mo, hindi na..

But.. I.. trusted.. you...

"Hey.. Hey.. gising.."

Agad akong ginising ng isang pagbulong na tinig saaking gawing tabi. Mabilis akong napaupo mula saaking kinahihigaang malamig na platform.

Natigilan ako nang matanto kong nasa loob pala ako ng isang bullet proof na sasakyan. Malayong malayo sa malansang operating room na aking nakasanayan.

Napakagat labi ako sa kaba nang muling sumagi saaking isipan ang isang mapait na alala mula saaking kabataan na pilit kong ibinabaon sa limot.

"Hey, are you alright?" 

Napalingon ako at nakita ko ang isang pamilyar na babae. Ang babaeng isa sa mga gunman na kasabwat ng Xavierheld.

Siya.. hindi ako maaring magkamali.. siya.. siya yung--

"Ielvy right?" 

Mahinahon niyang tanong at dahan dahang ikinakalag ang mga mainit na laser threads saaking mga kamay at pinalitan ng ordinaryong hand cuffs.

Napatingin ako sakanya. And I really don't know, Instead of escaping, I just looked at her as if a goddess had stood in front of me.

Tama nga sila. The last female ANGEL was indeed very beautiful. 

Napatango nalang ako bilang aking pagsagot. Napangiti siya as she then assisted me on standing. 

"Ang ganda and unique naman ng name mo. Mine's Stella. Stella Franz" her gentle voice then confirmed my assumptions. Affirmative.. Hindi nga nagkamali si Admiral.

"Lets go" she then added as she held my tightly clasped wrists. Agad kaming sinalubong ng iilang mga armadong sundalo ng Xavierheld the moment we got off the said bulletproof vehicle.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now