Datum 20 : Moonlight Sonata

1.3K 66 79
                                        

HANNESWORTH INSTITUTE FOR MILITARY ACADEMICS, CITY OF LAURENE

XAVIERHELD COLONY

2245H (10:45PM)

Stella's Point Of View

Maigi kong inayos ang pagkakaposisyon ng aking moss green scarf as I look through my reflection in the mirror dito saaking lumang silid.

Yes, hindi ko ine-expect na tulad parin ang password ng aking lumang quarters nung student days ko. They had even restored everything, from the position of my bed, to the tables, and chairs and so on.

It's like being able to travel back in time while still holding your ground presently. Nostalgia had found its way through me again.

I missed my room. I missed my bed, I miss everything about it.

Mukhang sa sobrang pagka-miss ko sa mga bagay dito ay pati ang mga luma kong Student Uniform ay nagawa ko pang pagdiskitahan at agad na sinubukang suotin muli.

Milagro ngat nagkasya pa sakin after all ng masasarap na pagkain na ihinahain ni Tristan sakin—

Agad akong natigilan nang biglang sumagi saaking isipan ang aking kuya. Dali dali kong hinablot ang aking phone mula saaking bulsa but to my dismay, I just looked down upon a realization.

Oo nga pala. Reaching for the other side of this wall is like finding a needle on a haystack. Napaka higpit ng kanilang security to the point that they block all unregistered outgoing calls.

Napabuntong hininga nalang ako as I sat on my bed. Pinagmasdan ko ang masayang larawan namin ni Tristan nan aka display bilang aking wallpaper.

May kung anong pag aalala na hinaluan ng lungkot ang biglang pumukaw saaking damdamin.

Kuya.. Tristan..

Unti-unting naginit ang aking mga mata hanggang sa tuluyang nanlabo ang aking paningin.

Luha? Mga luha ba ito?

Natigilan ako at madaling pinunasan ang mga iyon gamit ang aking mga nanginginig na mga kamay. Agad akong napatayo.

Malamang ay kailangan ko lang magpahangin sa labas. Ta..tama.. Oo.. masyado lang siguro akong nabibigla saaking mga nalalaman.

Pilit kong pinakalma ang aking sarili as I hurriedly went outside my old room. Napakatahimik ng gabi. Neither a student nor a shadow on the hallways.

The cold night breeze was the only breath of life that praises the majestic sight of the full moon on the pitch black sky.

Napako ang aking tingin sa buwan. Napakaganda. Napakapayapa.

"Wala namang masama if maglalakad-lakad ako." I whispered to myself at kusa nang naglakad sa kung saan man ako daldalhin ng aking mga paa.

Napakatahimik ng buong lugar, as peaceful as it could be. Strong sense of tranquility lured me to nowhere as I walk towards the calm hallways.

Napapalingon ako nang nakikita ko ang iilang mga announcements sa iilang bulletin boards at ang iilang mga academy posters.

Sa bawat sulok ng aking nababagtas na hallway ay muling nagbabalik saakin ang mga piraso ng alalala ng nakaraan.

Kumawala ang isang ngiti saaking labi. Kung maibabalik ko lang ang mga oras na iyon. Mga oras na handa kong ulit ulitin muli.

Ang mga oras na kasama silang lahat. Lahat kumpleto.

Including you, Vaughn.

Napapikit ako as I continued my journey towards the connected hallway path patungo sa isang bagong tayong building na ngayon ko lang nakita.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now