Hagalaz' Point Of View
"She's okay. Medyo napagod lang. We're on our way papuntang base." Taimtim kong pag se-secure habang hawak ang aking bluetooth headset saaking tainga.
Bahagya akong napatigil at pinagmasdan si Stella na nakaupo sa loob ng aking kotse. Hindi na matigil-tigil ang pangungulit ni Tristan patungkol sa kalagayan ng kanyang kapatid after ng insidenteng iyon.
Hindi rin matigil ang kabang nararamdaman ko para sa babaeng hindi ko inakalang magagawang saktan ng aking sariling kapatid.
Nagkanda buhol buhol na ang lahat.
"I'll call you back. Please take care of her, Tristan." huli kong pahayag at mariing ibinaba ang tawag saaking headset.
Hindi ko akalaing hihingi muli ako ng isang pabor sa lalaking minsang itinuring kong isang mortal na kaaway.
Pinagmasdan ko ang aking hawak hawak na phone. Lights from the smooth screen illuminated the angelic face of the girl I once loved.
Her lovely long black hair still lingers on my mind. Her face. Bakit hindi ko magawang matanggal saaking isipan?
I shook my head as I immediately opened my car's door. Hindi parin nadaluyan ng kahit anong ngiti si Stella nang ako'y sumakay.
"We're leaving after the said ambulance will surpass the hospital gates." I said. Ngunit walang ni isang tinig ang narinig sakanya. Hindi ko naman siya magawang sisihin sa mga nangyari within this day.
It was too traumatizing for her.
Hindi pa lumipas ang 5 minuto ay narinig ang mga tunog ng ambulansyang nagmamadaling humaharurot palabas ng gates ng hospital kung nasaan kami naroroon. I immediately started my car at pinagmasdan ang paglabas nito sa gates.
Napatingala ako sa mirror at nakita ang ekspresyon ng magkahalong pagkalito at kalungkutan sa mga mata ni Stella. Napapikit ako. Damn it Vaughn.
Agad kong tinapakan ang speed accelerator ng aking kotse at sinundan ang nasbing ambulansyang lulan ang lalakeng gumulo saaming isipan.
Is it really you, Vaughn?
Tristan's Point Of View
Napabuntong hininga ako nang maputol na ang tawag mula sa kabilang linya. Pikit mata akong napa upo sa isang malaking sofa sa tabi ng isang kama kung saan nahihimlay ang natutulog na si Revienne.
Tinakpan ko ng aking braso ang aking mga pagod na mata. Napakaraming nangyari sa loob ng araw na ito, napakaraming mga katanungan ang umusbong, ngunit wala ni isang malinaw na sagot mapa hanggang ngayon.
Ano bang nangyayari? Hindi ko lubos na maitindihan.
I just stared at the window habang nakaupo. Palubog na ang araw at mukhang hindi makakauwi si Stella ngayon. Gustohin ko mang puntahan si Stella sa Xavierheld Base hindi naman maari. Its been 2 years nang ma black list ang aking pangalan sa mga bases ng Xavierheld.
Napatayo ako at akmang isasara na ang bintana ng silid nang masagi ng aking siko ang isang papel na maayos na nakatuklip. Mariin itong bumagsak sa sahig at na reveal ang isang napakagandang sulat kamay.
Ang sulat kamay ni Alexander. Ang sulat na kanyang binuo bago siyang mawala na parang bula. Ang kanyang huling sulat na nagpaguho sa mga pangarap ni Revienne.
Dahan dahan ko itong pinulot at binasa. Hindi ko naiwasang mapayukom ng kamao.
Anong sasabihin ko kay Revienne sa oras na siya ay tuluyan nang magising?

YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...