Datum 18 : The Partial Truth

1.5K 65 66
                                        

HANNESWORTH INSTITUTE FOR MILITARY ACADEMICS, CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY

1830H (06:30PM)

A Man's Point Of View

"Ayan. Okay na." nakangiting sambit ko nang maidikit ko ang huling strip ng plaster sa bendang aking ibinalot sa tuhod ng nasugatan kong estudyante.

Palubog na ang araw nang magawa matapos ng aking dalawang huling studyante ang 800 meter run-walk course na nagsilbing graded physical examination namin for this day.

They were the least strong ones in my class. Hindi ko rin naman sila masisisi, pagkat napakalayo na nang kanilang nalakad at naitakbo, but still, they haven't gave up that easily.

Bagay na lubos kong ikinatutuwa sakanilang dalawa. Kahit na lubos nang nanghihina at natapilok pa ang isa ay hindi sila sumuko.

I see my past self on them.

"Ikakabagsak po ba namin ang pagiging huli, Captain?" mangiyak-ngiyak na tanong ng isa sakin habang akay-akay ng kanyang kasama.

I stood there and gently pat their heads.

"Don't worry about that. Ang importante ay natapos ninyo. Yun ang mahalaga, and I'm so proud of you guys." I said as I witness their worries being erased by my assurance.

"Maraming salamat po, Captain Emersonn." Sabay nilang sambit at agad na yumuko.

"Kayo po ang the best PE teacher namin!" Masayang pahayag nung isa at maingat na in-assist ng kanyang sugatang kaklase palayo saaking harapan.

Napahawak ako saaking baiwang at nakaramdam ngkakaibang  sense of fulfillment. The perks of being a good teacher.

I love my work.

Napabuntong hininga ako as I readily packed my things. Gumagabi na at kailangan ko nang makabalik saaking opisina.

Maigi kong binuhat ang aking sling bag at nagsimula nang maglakad palabas ng track. Saaking paglapit sa may pinto ay agad akong napatigil nang mapansin ko ang isang pumpong ng mga estudyanteng nagkakagulo sa may fence wall kaharap ng main path patungo sa grand building.

Driven by my curiosity, wala akong sinayang na oras at agad na tumungo roon. Halatang tutok na tutok ang kanilang atensyon sa main path habang nagsisiksikan sa fence wall.

"Anong meron?" Maigi kong tanong

"Shhh!!! Wag kang maingay.." Agad na pagbara saakin ng isa. Napangiti ako, taimtim na tumabi sakanila at nakisabay sa kung anong kalokohan ang pinaggagawa nila.

Hindi lang naman nilang napansin kung sino ang kanilang kasama sa sobrang pag coconcentrate nila sakanilang hinihintay.

Nang biglang

"Ca..Captain!! Captain Emersonn!!!!!"

Finally at may isang nakaramdam ng aking presesnya. Agad silang nabulabog at natatarantang sumaludo saakin. Hindi ko maiwasang matawa sa mga itsura ng kanilang mukha.

"Woah there! Calm down guys. No need for that.. haha.." I said na nagpakawala ng matinding kaba at gulat nila.

Napangiti ako as I held my arms on my bended knees at tinignan sila.

"What's the commotion about? Daig niyo pa ang mga top Xavierheld Snipers kung makapagbantay ahh.." Nagtataka kong pagtanong sakanila.

"Hindi nyo po ba alam sir?"

"Huh? Ang alin?" Taas kilay kong tanong. Geez, daig pa ang intelligence kung makapaglikom ng mga impormasyon. May future talaga ang mga 'to.

"Nandirito ngayon sa academy yung isa sa mga tinaguariang bayani ng Valfrejyan War."

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now