Datum 27.2 : The Innocent Devil (Part II)

1.5K 71 25
                                        


LE NOIR GRAND CASINO

PARIS, FRANCE EUROPEAN SOVEREIGN BOUNDERIES

2300H (11:00PM)

Natasha's Point Of View

"She's there inside."

Matipid kong sagot doon sa lalaking bouncer mula sa back door ng isa sa mga tanyag na casino para sa mga elites, walang iba kundi ang Le Noir Grand Casino.

The nest of the vices, ika nga nila. 

Hindi na ako magugulat sa palagihang pagbisita ni Sir Heiffmark sa lugar na ito, bagay na aking ginamit para saaming ilalatag na plano ngayong gabi.

Gaya ng kanyang nakasanayan, responsibilidad ko bilang kanyang personal errand girl ang hanapan siya ng mapagaaliwan saang sulok man siya mapunta at sa pagkakataon na ito, personal niyang ihinabilin ang isang "Professional Stripper" para sakanya at sakanyang mga tauhan ngayong gabi.

Halos masuka ako sakanyang mahalay na request, ngunit para sa gabing ito, isang napakagandang pagkakataon ang nakaabang.

Iilang oras pa lamang ang nagdaan nang makarating kami nila Miss Stella at Sir Von dito sa Paris, France mula England.

Kung tutuusin ay napakabilis ng mga pangyayari back then. Aside from the fact that Sir Von's healing time is unusually very very fast, hindi ko akalaing bibigay nila ang kanilang tiwala saakin ng ganun kadali, come to think they are members of the Xavierheld Intelligence.

They were after the information I gave, that is why. And I am after for their help. Not a bad deal after all.

I'm so glad yet terrified. Glad in a sense that, finally all my plans will come to a reality. Terrified in a way that they might—

"Are you okay miss? Is there something wrong?"

Pagputol ng nasabing lalakeng bouncer mula sa tarangkahan ng pinto. Halatang pinagmamasdan niya ng maigi ang napakalaking improvised cake replica box na aking nagawang i-deliver sa casino na ito.

"Is there anything that I should sign, my dear?" seryoso niyang tanong na nagpagising saaking diwa. Agad akong napaharap sakanya.

"N..No.. not at all. It's okay now. Ju..just please, take care of the box, and the person inside as well." I replied as I try to control my anxiety.

He just looked at me as his co-workers then carefully lift the said hand crafted box. Sinundan ko ng tingin ang nasabing mapalamuting kahon as it gets inside of the establishment.

Hindi ko alinta ang lamig sa labas, pagkat bago pa kaming umalis mula London ay hindi na mawari ng aking katawan kung paano aalisin ang matinding kabang bumabalot saakin.

Mas tumitindi sa mga oras na ito. To the point na kulang na lang ay kusang mag yelo ang aking mga paa't kamay dala ng takot.

Takot na maaring pumalya kami. Hindi. Hindi kami papalya. Sir Von and Miss Stella are Xavierheld elites from the start and they are here to help me.

With the decorated cake box losing on my sight, I started to walk away from the said door nang biglang..

"Aren't you still very young to work on a strip club?"

Napatigil ako saaking paglalakad at nilingon ang nasabing bouncer mula sa tarangkahan ng back door. Halos hindi magkamayaw ang kaba saaking dibdib habang nagmamadaling nanghahalughog ng isang kapani-paniwalang statement na aking maisasagot.

"I..do not strip for a living. I am just their lady driver. I only deliver stripper boxes." Matipid kong sagot, leaving that tough-looking guy confused.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now