Datum 10 : Instincts

2.3K 118 63
                                        

XAVIERHELD MILITARY ALPHA NAVAL BASE 06, CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY

2306H (11:06pm)

Von's Point Of View

"Ha? what's with the sudden relocation?!. Hindi mo ba alam na binubulabog mo ang aking masculine sleep maintenance?!" inis kong sambit habang mariing inilagay ng iilang mga escort guards ang isang laser cuffs saaking wrists. 

"Masculine what---? You have the right to remain silent sir." Magalang na pahayag ng isang gwardiya habang maingat niya akong ina-assist saaking paglabas saaking selda.

Sa ngayon we really don't have any strong idea kung bakit ginising kami ng mga asungot na ito sa kalaliman ng gabi.

Mukhang naalimpungatan din sina Ielvy at Ivann as they had been disturbed from their sleep. Agad din naman silang napasabay saaming paglakad as a group of formation guards then escorts us outside the maximum security detention hall.

Damn it! I can feel my handsomeness level gradually dropping. Hindi ako pwedeng mag mukhang puyat para kay Stella-Babes.. Why disturb my sleep for f*cks sake!??

"Mawalang galang lang po, pero saan ninyo kami dadalhin?" Maingat ngunit antok na tanong ni Ielvy sa mga mukhang wrestler na mga gwardiya.

"The higher authorities had decided to transfer the three of you sa Xavierheld's Mor's Provisionary Prison Settlement while they are deciding kung saang prison base kayo ma-aasign." he briefly said.

"Hay nako.. siguardong yung masungit at gurang na kapitang may kulay asul na buhok nanaman ang may pakana nito noh? tsk. kahit kailan!! sana tumanda siyang virgin damn it!!" inis kong sambit 

"Shhh.. kuya naman.." pabulong na pagsaway ni Ielvy.

Agad kaming napatigil ng aming paglalakad nang tuluyan kaming makalabas ng facility. Maingat din naman kaming ipinasakay sa isang bullet proof na black armored van.

Ngunit napatigil ang aking paghakbang nang may mapansin akong isang babaeng nakatayo sa itaas ng balcony ng facility. Mula sakanyang likod ay naroon ang isang hover wheelchair.

Teka.. pilay na nakakapag lakad? Or multo?!  

Kunot noo ko siyang tinitigan as her hazelnut-brown semi-curled hair somehow rings a bell to me. 

Saan ko ba siya nakita? She seems so fami----

"Sakay na." seryosong sambit nung guard officer at marahan niya akong itinulak patungo sa loob.

"Hey watch it!! kita mo namang may peklat na nga ako saaking napaka gwapong---"

*BLAGGG!*

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking pag rant at sinalubong ako ng matigas na pagbagsak ng pinto ng kotseng tumama saaking ilong.

"Aaarrraaaay!!! ang aking mala adonis na ilong!! shiet!" ipit kong pagsigaw at agad na hinawakan ang aking ilong despite of my hands being tied.

Pinagmasdan kong sabay na mag facepalm ang aking dalawang kasamahan sa loob.

"Come on guys!!!"

"Why on earth do we have an extremely narcissistic brother, Ielvy?" bulong ni Ivann as he covers his face.


MOR'S PROVISIONARY PRISON SETTLEMENT, XAVIERHELD CORRECTION PRISONS B-1, CITY OF VERDUX, XAVIERHELD COLONY

1245H (12:45am)

Ivann's Point Of View 

Pilit kong itinatago ang aking dalang matinding puyat habang maiging bumaba ng aming lulang armored car.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now