MADUMI NA YAN

10.2K 184 11
                                    

Abala si Aling Mercedes sa pagluluto para sa hapunan.. Tinawag niya ang kanyang anak na si Benjie para mautusan..

Aling Mercedes: anak pumunta ka nga sa tindahan at bilhan mo ako nang toyo at konti na lang ang natira dito..

**dali dali namang umalis si Benjie.. Sa kasamaang palad ay nalaglag ang toyong binili nito sa tulay na dinadaanan niya***

Benjie: inang patawad poh.. nahulog yong toyo sa may tulay.

Aling Mercedes: hayaan mo na lang anak at marumi na iyon.. ibili mo na lang ako ang asin..

***mabilis na tumalima si Benjie.. kaya lang nang pabalik na ito ay nahulog na naman ang asin na binili nito***

Benjie: inang nahulog din poh ang asin na dala dala ko..

Aling Mercedes: ikaw talagang bata ka.. sya sige hayaan mo na at marumi na iyon.. ikuha mo nalang ako nang kahoy na pwedeng ipanggatong..

***muling umalis si Benjie.. sa pangatlong pagkakataon ay nahulog ulit ang kahoy na dala nito sa tulay.. galit na galit si Aling Mercedes at nagpasyang siya na lamang ang kukuha at bibili nang kanyang mga kakailanganin***

Aling Mercedes: marumi na iyon.. ako nalang ang aalis.. bantayan mo ang sinaing ko at nang mapakinabangan ka naman..

MAKALIPAS ANG KALAHATING ORAS:

Barbara: Benjie! Benjie! Ang nanay mo.. (hapong hapo ito mula sa pagtakbo)

Benjie: bakit? anong nangyari kay nanay?

Barbara: nalulunod siya.. nahulog.. nahulog siya sa tulay!!!

Benjie: hayaan mo na si inay.. MARUMI na yon..

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now