100 Jokes To Heaven

3.2K 37 2
                                    

Nahuli ng killer sina Juan , Pedro, Tolome at Kulas

Killer: Pakakawalan ko kayo sa isang kondisyon. Magbibigay ako ng 100 jokes at pag tumawa kayo ay papatayin ko kayo pero.. Pag hindi kayo tumawa ay Pakakawalan ko kayo.

Nagsimula nang mag bigay ng joke ang killer at sa pang 15 na joke ay natawa na agad si Kulas at sa pang 50 na joke ay natawa na rin si Tolome
At sinundan naman ito ni Pedro na natawa sa pang 85 na joke

Ang tatlo ay tanggal na dahil tumawa sila at papatayin na sila ng sabay-sabay mamaya at ang natitira na lang ay si Juan

Pang 98 na joke na pero hindi pa rin tumatawa si Juan

At ng matapos na ang 99 na joke ay...

Juan: BWAHAHAHAHA

Tanggal na silang lahat at papatayin na sila

Pedro: ANO KA BA JUAN ISANG JOKE NA LANG AT MAKAKALIGTAS KANA
BAKIT KA PA TUMAWA??!!

Juan: BWAHAHA.. PARE... NAGETS KO NA KASI YUNG PANG NO. 1 NA JOKE.. BWAHAHAHA

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now