Pinakamakamandag na Ahas

5.4K 124 7
                                    

Kahapon lang sa National Geographic Wild..
may inanunsyo ang mga siyentipiko mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sila ay nakadiskubre ng
napakadelikadong uri ng ahas. Pinaniniwalaan nila na ito ay galing sa mas magandang uri ng
pamilya ng reptilya. Ayon sa NatGeoWild, ang ahas na ito ay humahaba ng 0.5cm tuwing ito ay
kumakain at ito ay kumakain tuwing ika-30 sekundo o mas kaunti pa. Itong partikular na ahas na ito ay hindi mapapatay o masasaktan ng
ano mang sandata. Namamatay lamang ito kapag nakagat nya ang sarili nya o kapag bumangga sa
isang pader. Nakakagulat diba? Ayon din sa mga siyentipiko, iyon lang ang tanging paraan para mapatay ang ahas na ito. Pero patuloy ang
pananaliksik upang makadiskubre ng panibagong paraan upang mapatay ang nasabing ahas. Ito na ang pinakamakamandag at pinakanakakamatay na ahas na nadiskubre sa buong kasaysayan ng tao. Ang ahas na ito ay makikita lang sa nokia 3310 phone, tignan sa opsyon ng mga laro, Snake Xenzia. Salamat sa mabuti at matiyagang
pagbabasa ng artikulong ito.

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now