Boy Ngongo

4.7K 111 4
                                    

*** Isang araw, Tinawag ni Inay si Boy, ang batang ngo-ngo. ***

Inay: Boy, magpunta ka sa tindahan ni Aling Petra at bumili ka ng isang latang Pork & Beans!

Boy: Omo, inay! (opo, inay)

*** Nagtungo si Boy Ngo Ngo sa tindahan ni Aling Petra. Tatlong bundok ang kaniyang nilakad. Pagdating ni Boy sa tindahan ay binati niya ang tindera. ***

Boy: Aning Metra, ngamuta na mo ngayo? (Aling Petra, kamusta na po kayo?)

Aling Petra: Mabuti naman. Ano ang kailangan mo Boy?

Boy: Mangmilan nga mo ng inang lata ng Mo e Meen! (pagbilhan nga po ng isang lata ng pork n beans)

Aling Petra: Ano kamo, Boy?

Boy: Isa mong Mo e Meen (isa pong pork n beans)

Aling Petra: Paki-ulit nga Boy at hindi kita maintindihan.

Boy: Mo e Meen! Mo e Meen - nyung nata lata! (pork n beans! pork n beans! yung nasa lata)

Aling Petra: Hindi talaga kita maintindihan. Mabuti pa kaya ay i-spell mo na lang sa akin.

Boy: O ninge. Mo e Meen. Netter Mi. (o sige. Pork n beans. Letter P)

Aling Petra: Letter 'B' ba?

Boy: Ine! Netter Mi as in Minimines. (hindi! Letter P as in Philippines)

Aling Petra: Ha???

Boy: Mi! (Kinanta ni Boy ang alphabet) Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee..En, Em, En, O, Mi! - - Mi!

Aling Petra: Ahhh, P! Letter P! (Masiglang sagot ni Aling Petra.)

Boy: Oo. Mi! Mo e Meen! (oo! pi! pork n beans)

Aling Petra: Sige ituloy mo Boy. 'P'...

Boy: Ngo! (o)

Aling Petra: Ano kamo?

Boy: (Kumanta ulit) Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, Ngo!

Aling Petra: Ahhh, titik O! P-O. Sige ituloy mo pa!

Boy: Netter Arrng (letter R)

Aling Petra: Kantahin mo na lang ulit Boy.

Boy: Ey, Mi, Ni, Ni , E, Em, Nyee... En, Em, En, O, Mi, Ngyu, Arrng!

Aling Petra: Ahhh! Letter R. Malapit na. 'P-O-R'? Hindi ko pa rin makuha,
Boy. Anong letter ang susunod?

Boy: Ngey. (K)

Aling Petra: Letter A?

Boy: Ini ho! (Sabay buntung-hininga si Boy) Ngey! A, Ma, Nga (A-Ba-Ka-Da ang kinanta)! Nga!

Aling Petra: Ka! Letter 'K' 'P-O-R-K' Ahhh Pork!!!

Boy: Oo!!! Mo e Meen!

Aling Petra: Pork and?

Boy: Oo!! Mo e Meen!!!

Aling Petra: Pork and Meen? Ahhhh!!! Alam ko na!!! Pork and Beans!!!

Boy: Oo! Oo!! Mo e Meen!! Mo e Meen!!!! (ang masayang sigaw ni Boy)

Aling Petra: Pork and Beans pala ang kailangan mo!!!

Boy: Oo. Mo e Meen!

Aling Petra: Hay nako!!!... Wala!!!

Tagalog JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon