Surprise

3.3K 55 1
                                    

Birthday ni Benny.. sa kamalas malasan habang papauwi sya sa kanila biglang tumirik ang sasakyan nya.. nagawa nya tuloy maglakad.. Tinxt nya misis nya na mejo matatagalan sya kase maglalakad lng sya pauwe.. habang naglalakad sya may naamoy syang baked beans.. bigla sya ginutom at pinuntahan ang isang baked delights na restaurant.. Umorder sya ng tatlong bundle ng baked beans.. dahil paborito nya yun ubos lahat at busog na busog si Benny..

Nasa tarangkahan pa lng sya ng bahay sinalubong na agad sya ng kanyang misis at nilagyan sya ng blindfold at me sopresa sa kanya ang asawa.. hinatid sya ng misis nya sa dining table at inuupo sya sa silya.. ng bigla nagring ang telepono at sandaling pumunta sa salas ang asawa para sagutin ang tawag.. habang nakablindfold si Benny di alam ang gagawin.. Gusto nya alisin ang blindfold pero kabilin bilinan ng asawa nya na wag gagalawin hanggat di sya dumadating..

taeng tae na si Benny.. Alumpihit sa upuan.. umutot ng pagkalakas lakas at sobrang baho na tila isang imburnal.. mismong sya di nya natiis ang nakakasulasok na amoy ng utot nya.. kinapa nya sa mesa ang tissue para hawiin ang amoy ng utot nya.. dahil sobrang baho talaga.. Pagkatapos mawala ng amoy umutot pa sya ng sunod sunod at grabeeee ang bantot parang amoy ng campsite area na amoy posonegro...

kinaway kaway ni Benny ang tissue paper para maalis ang amoy at baka maamoy na asawa nya ang saksakang baho ng utot..

nahatsing sya sa sobrang baho ng utot at dahil duon lumobo ang sipon nya at dahil wala na syang makapang tissue.. pinampunas nya na lng sa sipon nya ay yung table cloth.. Ng marinig nya tila parating na ang asawa nya galing sa pagsagot sa telepono.. para syang inosenteng umupo ng maayos na parang walang nangyari..

Misis: Sorry sweetheart mejo natagalan ang pakikipag usap ko sa telepono.. Aalisin ko na ang blindfold mo ha..

(inalis ang blindfold)

gulat na gulat si Benny ng sabay sabay syang binati ng 12 katao na nakaupo sa mesa ng..

HAPPY BIRTHDAY BENNY!!!!

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now